Jelai Andres, ipinasilip ang kanyang walk-in closet sa kanyang bagong vlog

Jelai Andres, ipinasilip ang kanyang walk-in closet sa kanyang bagong vlog

- Pinagbigyan ni Jelai Andres ang kanyang mga followers sa kanilang hiling na magbahagi siya ng walk-in closet tour

- Pinakita niya sa kanyang vlog ang kanyang mga gamit mula sa bags, damit, shades, alahas at iba pang mga gamit na hilig niya

- Aniya, hindi pa lahat ng gamit ang naroroon dahil ang iba daw ay naiwan sa kanyang condo

- Paliwanag ni Jelai, kaya siya bumibili ng mga luxury items ay regalo daw niya sa sarili niya kapag may mga ginagawa siyang successful projects

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Jelai Andres ang kanyang walk-in closet tour sa kanyang bagong vlog. Pinakita niya sa kanyang vlog ang kanyang mga gamit mula sa bags, damit, shades, alahas at iba pa.

Jelai Andres, ipinasilip ang kanyang walk-in closet sa kanyang bagong vlog
Jelai Andres, ipinasilip ang kanyang walk-in closet sa kanyang bagong vlog
Source: Youtube

Ayon kay Jelai, kadalasan ay bumibili siya ng luxury items dahil binibili niya ito para pangregalo sa kanyang sarili kapag may mga ginagawa siyang successful projects.

Read also

Janno Gibbs, naniniwalang napapanahon ang pagpapalabas ng pelikula nila ng kanyang ama

Kabilang sa kanyang kinahiligan ay shade, bag at pabango.

Naibahagi niya rin ang Christmas gift niya sa kanyang sarili. Bumili siya ng bagong bag na gustong-gusto niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

May pa-giveaway din siya para sa kanyang mga followers. Isang neverfull LV bag ang kanyang ibibigay sa isa sa kanyang maswerteng follower.

Si Jelai Andres ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Sa kainitan ng pagputok ng balita tungkol sa muling paghihiwalay nila ni Jon, hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob kay Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Read also

Kim Chiu at Paulo Avelino, kinakiligan sa kanilang TikTok video

Isa sa naging highlight ng isang vlog episode ni Jelai ay ang No Reaction Challenge nila ni Buboy Villar. Magpapagalingan sila sa pagpigil sa kanilang sarili na sumigaw o magpakita ng reaksiyon sa kanilang pagsakay sa mga extreme rides sa isang amusement park. Habang sumasakay sila sa isang drop tower ride, hinimatay si Jelai at nakuhanan ito ng video ni Buboy. Agad naman siyang nahimasmasan nang matapos ang oras nila sa naturang ride.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel