Christian Merck Grey, umalma kay Xander Arizala: "1OOK daw nya ibebenta yung iPhone15"

Christian Merck Grey, umalma kay Xander Arizala: "1OOK daw nya ibebenta yung iPhone15"

- Inalmahan ni Christian Merck Grey ang hamon ni Xander Arizala na ibebenta lang daw niya ang iPhone 15 kay Merck kung 100K niya ito bibilhin

- Pinakita pa ni Merck ang aniya'y screenshot ng naging mensahe ni Xander sa kanya

- Pinipilit nitong bilhin daw ni Merck nang P100k ang cellphone na bigay niya dahil marami naman daw itong pera at pinahiya na daw siya nito sa social media

- Iginiit naman ni Merck na hanggang 54K lang niya bibilhin ang cellphone dahil tutal ay siya naman ang bumili nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi pumayag si Christian Merck Grey sa hamon ni Xander Arizala na ibebenta lang daw niya ang iPhone 15 kay Merck kung 100K niya ito bibilhin. Sa screenshot ng mensahe daw ni Xander, sinabi nito na marami naman daw pera si Merck at pinahiya na daw siya nito sa social media.

Read also

Ogie D sa update ukol kay Angel Locsin: "'yung pagbabalik sa showbiz, baka for now di muna"

Christian Merck Grey, umalma kay Xander Arizala: "1OOK daw nya ibebenta yung iPhone15"
Christian Merck Grey, umalma kay Xander Arizala: "1OOK daw nya ibebenta yung iPhone15"
Source: Facebook

Ani Merck wala namang bibili ng ganong presyo kahit sabihing brand new ang naturang cellphone.

Nasabi pa ni Xander na bakit kasi daw binigyan nito ng cellphone ang anak niya eh ang bata bata pa raw nito.

Iginiit naman ni Merck na hanggang 54K lang niya bibilhin ang cellphone dahil tutal ay siya naman ang bumili nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Xander Ford ay ang dating pangalang ginamit ni Marlou Arizala, isang Filipino internet personality at dating miyembro ng grupong Hasht5. Noong 2017, nag-viral si Marlou Arizala matapos siyang sumailalim sa ilang cosmetic surgery procedures upang baguhin ang kanyang itsura. Matapos ang mga operasyon, nagdesisyon siyang gamitin ang pangalang "Xander Ford."

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Xander sa kanyang Instagram stories. Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak. Hindi daw sila sumipot sa binyag at ikinadismaya ni Xander at kahit presensiya lang daw sana ng mga taong ito para sa kanyang anak ay ayos na sa kanya. Hindi naman na binanggit ni Xander kung sino ang kanyang tinutukoy na mga tao.

Read also

Marlou Arizala kay Christian Merck Grey: "100K kaliwaan payag ako"

Matatandaang pinangalanan ni Xander si Merck bilang yung taong kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, pinangakuan umano siya nito kaya pinapabayaran niya ang P349K na umano ay pinangako nito sa kanya. Dagdag pa niya, kung alam nila ay hindi na muna sana daw sila nagpabinyag. Humingi din siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan na aniya ay makuha ang pinaglalaban niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel