PCSO, iginiit na sinadya nilang in-edit ang damit ng Lotto jackpot winner
- Nagsalita si PCSO General Manager Mel Robles kaugnay sa trending na picture ng lotto winner
- Aniya, sinadyang in-edit daw nila ang damit ng nanalo para daw sa security nito
- Humingi siya ng dispensa dahil aniya ay hindi sila magaling mag-edit
- Sinigurado niyang totoong tao ang nasa picture at may kopya daw sila ng picture ng naturang winner pero bawal daw nilang ipakita ito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Iginiit ni PCSO General Manager Mel Robles na sinadya nilang in-edit ang damit ng lotto winner na kanilang ibinahagi sa kanilang page. Sa panayam ng News 5 sinabi niyang ginawa nila ito para sa security ng nanalo.
Aniya, inihihingi niya ng dispensa ang hindi magandang pagkaka edit dahil hindi daw sila magaling mag-edit pero ang pinaka layunin daw nito ay para hindi makilala ang winner para sa kaligtasan nito.
Totoo pong edited. Hindi po yan ikinakaila dahil that is meant to conceal the clothing nung nanalo kasi meron po kaming complaint nung last time. Nakatakip nga yung mukha eh yung damit niya naman ay kilala, so na-identify din siya.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ang PCSO, o Philippine Charity Sweepstakes Office, ay isang ahensya ng gobyerno sa Pilipinas na itinatag noong 1935. Layunin ng PCSO na magtaguyod ng mga proyektong pangkalusugan, pangkabuhayan, at pang-edukasyon sa bansa. Ang pangunahing misyon ng PCSO ay makatulong sa mga mahihirap at nangangailangan sa pamamagitan ng kanilang charity programs at fundraising activities.
Karaniwan, kilala ang PCSO sa kanilang mga draw games na nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na manalo ng malalaking premyo sa pamamagitan ng pagtaya sa mga numero. Ang kita mula sa benta ng tiket ng mga laro na ito ay itinutulong para sa mga programa ng PCSO.
Isang 60-anyos na mula sa Quezon City ang nagwagi ng nasa Php 22 million sa 6/42 Jackpot ng Philippine Lottery. Kwento ng nanalo, taong 1995 pa niya inaalagaan ang naturang kombinasyon. Nanalo na rin ang lima sa anim na numero makailang beses mula sa nabanggit na taon. Aniya, napanaginipan lamang niya ang naturang kombinasyon na siyang nagbigay ng malaking biyaya sa kanya ngayon.
Samantala, isang Pinay ang nagwagi kamakailan sa Emirates Fast-Five draw. Tinatayang may katumbas na P380,000 kada buwan ang kanyang napanalunan. Masasabing financial stability ang dulot ng pagkapanalo niyang ito dahil matatanggap niya ang nasabing halaga sa loob ng 25 taon. Dahil dito, naisipan na niyang ituloy ang binabalak nilang pagpapakasal ng kanyang nobyo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh