60-anyos na wagi ng Php 22.8 million sa lotto, napanaginipan ang mga numero

60-anyos na wagi ng Php 22.8 million sa lotto, napanaginipan ang mga numero

- Isang 60-anyos na mula sa Quezon City ang nagwagi ng nasa Php 22 million sa 6/42 Jackpot ng Philippine Lottery

- Kwento ng nanalo, taong 1995 pa niya inaalagaan ang naturang kombinasyon

- Nanalo na rin ang lima sa anim na numero makailang beses mula sa nabanggit na taon

- Aniya, napanaginipan lamang niya ang naturang kombinasyon na siyang nagbigay ng malaking biyaya sa kanya ngayon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isang 60- anyos na residente ng Quezon City ang nagwagi ng P22.8 Million Lotto 6/42 Jackpot noong Agosto 5.

Lotto winner ng Php 22 million, nakuha umano ang mga numero sa kanyang panaginip
Winning ticket noong 60-anyos na residente ng Quezon City (Philippine Charity Sweepstakes Office)
Source: Facebook

Sa post ng Philippine Charity Sweepstakes Office, sinasabing 34 - 35 - 24 - 20 - 36 - 39 ang winning combination ng nasabing nanalo na taong 1995 pa nito inaalagaan.

Kwento pa nito, napanaginipan niya ang naturang numero na mula noon ay patuloy niyang tinatayaan.

Read also

Pinay, wagi sa Emirates draw; tatanggap ng P380,000 kada buwan sa loob ng 25 taon

Hindi naman siya nabigo dahil bukod sa P22.8 Million, makailang beses na siyang nanalo ng minor prizes dahil sa limang kombinasyon na madalas din umanong lumabas.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa nanalo, ilalaan niya ang napanalunan sa negosyo at pagbibigay kabuhayan sa mga kaanak. Hindi rin niya nakalimutang magbigay sa komunidad.

Dalawang araw mula nang lumabas ang kanyang mga numero, saka lamang siyang sumadya sa Philippine Charity Sweepstakes Office upang iproseso ang pagkuha nito.

Matatandaang napabalita rin ang isang pamilya na nasa Canada ang nanalo ng may katumbas 2.2 bilyong piso.

Noon namang 2020, nanalo ang isa rin nating kababayan sa UAE sa lotto roon gamit ang pinakahuling pera niya. Emosyonal nitong naibahagi ang kanyang kwento dahil hindi niya talaga inaasahan na ang kahuli-hulihan niyang salapi ang babago pala ng kanyang buhay.

Read also

Ogie D sa security na humawi kina Pia at Ricky Lee: "Dapat talaga sini-seminar sila"

Samantala, napasayaw daw noon sa tuwa ang Filipino couple sa Canada na sina Liezl Panganiban and Edgar Ebreo nang manalo sa lotto ng halagang $675,000 o katumbas Php32.3 million. Hindi ito ang unang pagkakataon na nanalo ang mag-asawa sa lotto. Noong Setyembre ng 2020, una na silang pinalad sa Lotto 6/49 at nakatanggap na ng $500,000.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel