Driver na kasama sa tinuturong sangkot sa pagkawala ni Catherine Camilon, sumuko
- Sumuko sa Balayan Municipal Police Station ang isa sa tinuturong sangkot sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon
- Ito ang driver at personal bodyguard ni Police Major Allan De Castro, ang tinuturong pangunahing suspek
- Kinilalang si Jeffrey Magpantay ang naturang driver na kinilala ng dalawang saksi na siyang nanutok ng baril sa kanila nang makita nila ang duguang babae na sinasakay sa pulang SUV
- Hindi naman nagbigay ng pahayag si Magpantay at hindi din niya sinabi kung may pagbabanta ba sa kanyang buhay kaya mas pinili niyang sumuko na lang
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sumuko ang driver at bodyguard ni Police Major Allan De Castro sa Balayan Municipal Police Station. Ang driver na si Jeffrey Magpantay ay kinilala ng dalawang saksi na siyang nanutok raw ng baril sa kanila.
Ayon sa lumutang na mga saksi, tinutukan daw sila ng baril nang makita nila ang duguang babae na sinasakay sa pulang SUV.
Ayon kay Balayan police chief Maj. Domingo Ballesteros, Jr. pinili ni Magpantay na sumuko para sa mga legal proceedings.
Hindi naman nagbigay ng pahayag si Magpantay at hindi din niya sinabi kung may pagbabanta ba sa kanyang buhay kaya mas pinili niyang sumuko na lang.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Wala daw criminal charges kay Magpantay kaya hindi siya naka-detain.
Si Catherine Camilon ay isa sa naging kalahok sa Miss Grand Philippines 2023. Naging usap-usapan siya matapos mapabalita noong ika-12 ng Oktubre ang tungkol sa kanyang pagkawala.
Kamakailan nga ay sinabi ng mga otoridad na naniniwala silang buhay ang nawalang beauty queen. Nagbigay din ng pahayag ang PNP-Calabarzon na makikita at makakauwi ang beauty queen. Matatandaang idineklara siyang missing person dahil sa hindi na siya makontak. Ayon kay Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, police chief ng Calabarzon, base sa kanilang leads ay buhay si Camilon.
Simula October 12 ay nireport na siyang missing. Ang kapatid niyang si Chin-chin Camillon ang nag-post sa Facebook upang humingi ng tulong sa paghahanap ng kanyang kapatid na bukod sa pagiging isang beauty queen ay isa ding teacher. Naibahagi niya ang ilang detalye kabilang na ang edad nito na 26 taong gulang at ang height nito na 5'6". Binahagi niya rin ang picture ng plate number ng sasakyan ng kanyang kapatid.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh