Pokwang, nilinaw na hindi ang kanyang ex ang lalaking nasa bago niyang post

Pokwang, nilinaw na hindi ang kanyang ex ang lalaking nasa bago niyang post

- Ibinahagi ni Pokwang ang video clip kung saan makikita ang kanilang bagong bahay

- Dito ay inihayag niya ang kanyang excitement sa paglipat nila sa bagong bahay

- Isang netizen naman ang nakapansin na may lalaki sa naturang video kaya nagtanong ito kung ito ba ay ang ex ni Pokwang

- Mariing pinabulaanan ito ni Pokwang at nilinaw na ito ang kanilang architect sa pinagawang bahay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Pokwang ang tanong ng isang netizen tungkol sa lalaki sa video ng bagong bahay ni Pokwang. Mariing pinabulaanan ni Pokwang na ang ex niya ang lalaking nasa video at nilinaw na ito ang kanilang architect sa pinagawang bahay.

Pokwang, nilinaw na hindi ang kanyang ex ang lalaking nasa bago niyang post
Pokwang, nilinaw na hindi ang kanyang ex ang lalaking nasa bago niyang post
Source: Instagram
Nope wala na po akong lalake sa buhay hahahahaha lalo pa yung bwis*t na user si architec po iyon.

Read also

Claudine Barretto: "Never nag advice si Ate V tungkol sa mga decision ko"

Pokwang, nilinaw na hindi ang kanyang ex ang lalaking nasa bago niyang post
Pokwang, nilinaw na hindi ang kanyang ex ang lalaking nasa bago niyang post
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong taong 2022 umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Read also

'Tatay Elon', umalma sa mga naging pahayag ng anak niya tungkol sa kanya

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel