Anim na taong gulang, tini-text pa rin ang yumaong ina: "6 na ako ma"

Anim na taong gulang, tini-text pa rin ang yumaong ina: "6 na ako ma"

- Umantig sa puso ng marami ang post ng isang tita tungkol sa kanyang pamangkin

- Nagagawa pa rin umanong i-text ng anim na taong gulang na bata ang kanyang ina na yumao na

- Tatlong taon na umano ang nakaraan ng mamaalam ang ina ng bata

- Subalit ngayon, hindi pa rin nito malimutan ang kanyang mama at tila umaasang sasagot ito sa kanyang mga text

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang naantig ang puso sa post ni Bev Brago patungkol sa kanyang anim na taong gulang na pamangkin na si Yasha.

Anim na taong gulang, tini-text pa rin ang yumaong ina: "6 na ako ma"
Sina Cherry, Yasha at Bev (Bev Brago)
Source: Facebook

Sa pagbubukas ng bagong taon, naibahagi ni Bev ang text message na naipadala ng pamangkin sa yumao nitong ina na si Cherry.

"Sobrang sakit. Ngayon ko lang nakita since di ko naman pinapake-alaman messenger nya," ani Bev na kung makikita sa naturang convo, October 23 pa naipadala ni Yasha ang mensahe sa messenger ng yumaong ina.

Read also

Liza Soberano sa kanyang 26th birthday: "Thank you everyone for the loving messages"

"She sends a looooot of messages to her mom almost every day and waits to see if she will respond. Grabe no? Even though alam niyang wala na mama niya, inaantay niya pa rin," dagdag pa nito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kaya naman tila may lambing si Bev sa ibang kaibigan at kaanak nila na naite-text ng kanyang pamangkin.

"PS: Sa mga friends/family kong always chinachat ni Yasha, please I do have one favor, reply naman kayo if free time niyo hehe. She always make kwento with a happy face whenever kinakamusta siya or may nag ”hi” sa kanya. And pasensya na sa mga kinukulit niya hehehe."

Narito ang kabuuan ng text:

Ilang buwan ang nakaraan, bago matapos ang taong 2023, umantig din sa puso ng marami ang hinaing ng isang panauhin ng Babala! 'Wag Kayong Ganuuun ng E.A.T. na si Mommy Angie. Aniya, namumuhay na lamang siyang mag-isa buhat nang yumao ang kanyang mister. Kahit may mga anak, bihira na umano siyang mabisita ng mga ito.

Read also

Lovi Poe, nagpaalam na sa Batang Quiapo: "Mokang…now signing off"

Gayundin ang kwento ng isang biyuda na namatayan pa ng mga anak na buwan lamang ang pagitan. Nadurog di umano ang puso ng mga nakapanood ng kwento ng isang panauhin sa Bawal Judgmental segment ng "Eat Bulaga" .Sa ngayon, kasama nito ang dalawa pa niyang mga anak at pawang nagbibigay sa kanya ng lakas at determinasyon upang ipagpatuloy ang buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica