Lovi Poe, nagpaalam na sa Batang Quiapo: "Mokang…now signing off"

Lovi Poe, nagpaalam na sa Batang Quiapo: "Mokang…now signing off"

- Nagbahagi ng mensahe si Lovi Poe sa pamamaalam ng kanyang karakter na si Mokang sa FPJ's Batang Quiapo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Nagpasalamat siya na nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng seryeng kumakatawan sa obra ng kanyang ama

- Aniya, hindi naging madali para sa kanya ang naging desisyon niya na iwan ang serye kung saan gumanap siya bilang si Mokang

- Para naman kay Coco, sinabi ni Lovi na mananatili siyang tagahanga nito

Nag-post ng mensahe si Lovi Poe kasunod ng pamamaalam ng karakter niyang si Mokang sa FPJ's Batang Quiapo. Kalakip ng kanyang mensahe ay binahagi niya ang ilan sa kanyang mga eksena sa naturang serye.

Lovi Poe, nagpaalam na sa Batang Quiapo: "Mokang…now signing off"
Lovi Poe, nagpaalam na sa Batang Quiapo: "Mokang…now signing off"
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Anim na taong gulang, tini-text pa rin ang yumaong ina: "6 na ako ma"

Aniya, blessed siya na mabigyan ng pagkakataon ng maging bahagi ng naturang serye na hango sa obra ng kanyang namayapang ama.

Hindi daw naging madali sa kanya na pakawalan ang kanyang karakter na napamahal na rin sa kanya.

A big part of my 2023 was breathing life into a character I have grown to love — what a privilege it was to play Mokang. She was a fighter and she taught me how it is to truly be free. It really was a tough decision for me to make but I have decided to turn the page.

Nagpasalamat din siya kay Coco sa pagpapatuloy nito sa legacy ng kanyang ama.

Direk Coco, my dad’s legacy is in great hands. Salamat at pinagpapatuloy mo. Coco, I will always be one of your biggest fans. Please try to get some sleep.♥️

Si Lourdes Virginia Moran Poe o mas kilala bilang si Lovi Poe ay isa sa mga sikat na Pinay actress, recording artist at endorser. Anak siya ng yumaong action star na si Fernando Poe Jr. Pinagbidahan niya ang ilang serye sa GMA-7 kagaya ng Bakekang at Ang Dalawang Mrs. Real.

Read also

Liza Soberano sa kanyang 26th birthday: "Thank you everyone for the loving messages"

Maging sina Toni Fowler at Lovi ay G na G din na kumasa sa 'Bakit malungkot ang beshy ko’ trend. Kinaaliwan ang mag-beshy sa binahaging video ni Toni kung saan maging si Lovi ay naki-tumbling at nakisayaw. Magkasama at matalik na magkaibigan ang karakter na ginagampananan nina Toni at Lovi sa 'FPJ's Batang Quiapo'. Kaya naman, napapasama sa mga post ni Toni si Lovi at na-prank na rin niya ito sa kanyang vlog.

Sa isang vlog ni Toni Fowler sinabi niyang hindi siya titigil hangga't hindi niya na-paprank ang kanyang bessy na si Lovi Poe sa seryeng 'Batang Quiapo.' Kaya naman, nagpaalam si Toni kay Coco Martin sa plano niyang prank kay Lovi. Pumayag naman daw si Coco pero aniya ay hindi niya kayang hindi tumawa pagdating sa pagpaprank kaya ang isa pang direktor ang naging kakuntsaba ni Toni sa kanyang prank. Hindi naman maitago ni Lovi ang kanyang stress habang kunwari ay nakikipagtalo si Toni sa kanilang direktor dahil aniya ay hindi naman ganun ang pagkakakilala niya kay Toni.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel