Kasalan sa Saranggani, sapul sa video nang yanigin ng 7.2 magnitude na lindol
- Nakuhanan ng video ang aktwal na pagyanig ng 7.2 magnitude na lindol sa Saranggani
- Ito ay dahil sa kasalan kung saan napahinto ang wedding march dahil sa tindi ng pagyanig
- Outdoors pa ang wedding kaya't makikita ang ilang mga bisita na napaluhod na lamang at napakapit sa kanilang upuan
- Matapos ang 30 minuto, itinuloy pa rin ang kasalan ayon sa naging komento ng uploader
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sapul sa video ng ikakasal sa Saranggani ang pagyanig ng 7.2 magnitude na lindol doon.
Sa video na naibahagi ni @maureshow sa kanyang TikTok aakalaing tipikal na wedding video ang matutunghayan.
Subalit hindi pa man natatapos ang pagmartsa patungong altar, napahinto na ang lahat nang biglang maramdaman ng lahat ang tindi ng lindol.
Dahil outdoors ito, makikitang napaluhod ang karamihan habang humahawak sa kanilang upuan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Maririnig din umano ang ilang pagsigaw sa takot, at ang iba ay napaupo na lamang sa lupa. May ilan ding mapapansin na tumakbo.
Ayon pa rin sa uploader, natuloy umano ang kasalan matapos ang 30 minuto. Wala naman umanong naiulat na nasaktan sa naturang insidente.
Narito ang kabuuan ng video:
Sa kabila ng kasagsagan ng pandemya noong mga nakaraang taon, samu't saring kwentong kasalan pa rin ang naganap na nakapagbigay inspirasyon sa marami.
Tulad na lamang ng mga lolo at lola na naging mag-textmates lamang ngunit nauwi sa kasalan. Pinatunayan nina Marilou Castañeda, 69-anyos at ng 68-anyos na si Armando Ramos ng Sablayan, Occidental Mindoro na walang pinipiling edad ang pagpapakasal at pagmamahalan. Bagama't magkalayo, nagawan nila ng paraan na magkita bagay na lalong nagpatatag ng kanilang relasyon dahil mas nabighani umano si Lolo Armando sa kanyang text mate. Hanggang sa magdesisyon na nga ang dalawa na magpakasal upang mas mapagtibay ang kanilang pagmamahalan.
Gayundin naman ang kwento ng bagong kasal na pagiging praktikal naman ang naituro ng kanilang kwentong kasalan dahil sa Php3,000 lamang ang nagastos nila sa kanilang wedding reception. Ito ay dahil ginanap ang salo-salo sa Mang Inasal at inilaan ang perang sana'y gagastusin sa reception sa 6000 sqm na lote para sa kanilang mag-asawa.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh