Sen. Bong Revilla kay Bong Nebrija: "Based on hearsay, wawasakin mo yung senador?"
- Pinagsabihan ni Sen. Bong Revilla si MMDA Task Force Special Operations Unit Head Col. Bong Nebrija kaugnay sa alegasyong isa ang senador sa mga umano'y lumabag sa pagdaan sa EDSA Busway
- Isinailalim na rin ni MMDA Acting Chairman Romando Artes si Nebrija sa preventive suspension dahil sa nangyari
- Ito ay matapos pabulaanan ni Sen. Revilla na siya iyon dahil nasa Cavite siya at wala daw siya sa Quezon City
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Todo paliwanag naman at paghingi ng paumanhin si Nebrija sa mambabatas
Pinagsabihan ni Sen. Bong Revilla si MMDA Task Force Special Operations Unit Head Col. Bong Nebrija matapos mabanggit ang pangalan niya sa Edsa carousel busway controversy. Isinailalim na rin ni MMDA Acting Chairman Romando Artes si Nebrija sa preventive suspension.
Aniya, wala siya sa Quezon City at nasa Cavite siya kaya hindi totoong kabilang siya sa nahuling dumaan sa EDSA bus lane.
Ani Sen. Revilla, dapat nag-verify muna sila bago magbanggit ng pangalan dahil aniya ay nawasak ang kanyang pangalan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Based on hearsay, wawasakin mo yung senador?"
Todo paliwanag naman at paghingi ng paumanhin si Nebrija kay Sen. Revilla. Tanggap naman niya ang desisyon na MMDA chairman.
“As the commander of the task force, the buck ends with me. I accept the responsibility. Kung isu-suspend ako ni chairman so be it,”
Si Ramon "Bong" Revilla Jr. o Jose Mari Bautista sa totoong buhay ay isang actor, director, producer, television presenter at politician na nagsilbi bilang senador mula 2019, at mula 2004 hanggang 2016. Anak siya ng actor-politician Ramon Revilla Sr.
Matatandaang nag-viral noon ang video ng ni Bong Revilla. Sinayaw muli niya sa kanyang Rave party ang "Budots dance" na siyang ginamit niya sa kanyang campaign ad. Sinasabing malaking bagay daw ang ad ng senador kung saan ginamit niya ang sayaw dahil sa madali itong natandaan ng mga botante.
Naibahagi ni Congresswoman Lani Mercado Revilla ang pinagdaanan ng kanilang pamilya nang nakulong umano ang mister na si Bong. Bagama't 'di sila bumibitaw sa dasal at panalangin sa Diyos, aminadong sinubok din sila sa pagtungo sa simbahan. Ito ay dahil sa pakiramdam na sila umano ang napapag-usapan maging sa mga ganoong klaseng lugar. Pinasalamatan naman ng dating senador ang kanyang misis sa katatagang ipinamalas nito sa gitna ng matinding pagsubok ng kanilang pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh