Claudine Barretto, naniniwalang bad influence ang kasalukuyang karelasyon ni Raymart Santiago

Claudine Barretto, naniniwalang bad influence ang kasalukuyang karelasyon ni Raymart Santiago

- Naibahagi ni Claudine Barretto na hindi pa rin na-annul ang kasal nila ni Raymart Santiago

- Nade-delay daw lagi ang deadline ni Raymart sa support at gusto daw nito kunin ang custody ng mga bata

- Hindi na raw nakakapag-usap sina Claudine at Raymart at sa mediation lang sila nagkikita

- Aniya dati ay naging magkaibigan naman sila ni Raymart pero ngayon daw ay mukhang hindi pwede dahil hindi umano magandang impluwensiya ang karelasyon nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Claudine Barretto na mukhang hindi na posibleng maging magkaibigan sila ng ex niyang si Raymart Santiago. Sa YouTube video na binahagi ni Dondon Sermino, nabanggit ni Claudine na ito ay dahil sa hindi magandang impluwensiya ng kanyang karelasyon.

Claudine Barretto, naniniwalang bad influence ang kasalukuyang karelasyon ni Raymart Santiago
Claudine Barretto, naniniwalang bad influence ang kasalukuyang karelasyon ni Raymart Santiago
Source: Youtube
Dati oo, meron. Pero sa bagong relationship niya, hindi possible. Kasi hindi maganda yung influence sa kanya compared sa isa dati.

Read also

Mela at Stela, may makulit na reaksyon sa video nina Echo at Melai sa ABS-CBN ball

Hindi na diretsahang sinabi ni Claudine ang pangalan ngunit nang tanungin siya kung si Jodi ito ay tumango lang si Claudine.

Aniya, hindi pa sila annuled pero kinukuha daw ni Raymart ang custody ng mga anak nila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles." Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

Matatandaang isang love letter ang ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account. Marami sa mga fans ng tambalan nila ni Rico Yan ang kinilig sa love letter na ito ng yumaong aktor. Hindi man sila nagkatuluyan dahil sa pagpanaw ng matinee idol, nanatili ang pagsuporta ng mga fans ng kanilang tambalan. Nauna nang nakapagbahagi si Claudine ng iba pang love letters ng aktor para sa kanya.

Naibahagi naman nina Cristy Fermin ang tungkol sa pag-usad ng annulment nina Raymart Santiago at Claudine. Sinasabing si Raymart na rin umano ang nag-file ng annulment ng kasal nila ni Claudine. Ang nakikita umanong dahilan nina Cristy ay ang pagnanais di umano ni Raymart na pakasalan si Jodi Sta. Maria. Hindi man ganoon kaingay sa social media ngunit minsan nang naisapubliko ang pagkakaroon ng relasyon ng dalawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel