Mela at Stela, may makulit na reaksyon sa video nina Echo at Melai sa ABS-CBN ball

Mela at Stela, may makulit na reaksyon sa video nina Echo at Melai sa ABS-CBN ball

- Naikwento nina Mela at Stela ang tungkol sa pagkikita nina Jericho Rosales at ng kanilang Mamshie Melai Francisco

- Ito umano ang unang pagkakataong nakita ang reaksyon ng dalawa sa paghaharap ni Melai at ng ultimate crush nito

- Tawang-tawa si Regine Velasquez sa mga anak ni Melai lalo na umano kay Stela na animo'y nagalit pa

- Madalas na mag-viral umano ang mga video nina Mela at Stela na labis na kinaaaliwan ng publiko sa pagiging natural na komedyante ng dalawa tulad ng kanilang ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

May makulit na reaksyon ang magkapatid na sina Mela at Stela Francisco patungkol sa naging pagkikita ng kanilang Mamshie Melai Francisco at ultimate crush nitong si Jericho Rosales.

Mela at Stela, may makulit na reaksyon sa video ng pag-kiss ni Echo kay Melai sa ABS-CBN ball
Mela at Stela and Melai ( Melai Cantiveros-Francisco)
Source: Facebook

Naging panauhin ng Magandang Buhay ang pamilya ni Melai at doon naikwento ni Stela ang kanya umanong napanood na video ng kanyang Mama Melai at ni Jericho.

Read also

Melai Francisco, aminadong pinagseselosan umano si Ivana Alawi

"Alam ninyo, nakita ko, 'nung nasa ball si Mama sa ABS-CBN si Jericho kiniss siya sa cheeks!" ani Mela na agad namang sinundan nang panlalaki ng mga mata ni Stela na animo'y nagagalit.

Kapansin-pansin na hindi na lamang nakakibo si Jason habang si Regine Velasquez na co-host ni Melai sa naturang programa ay halos walang tigil sa kakatawa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang kabuuan ng makulit na video mula sa ABS-CBN entertainment:

Si Melai Cantiveros ang naging big winner sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Sa naturang reality show din nagmula ang kanya na ngayong mister na si Jason Francisco. Nag-umpisa ang lahat sa kulitan sa loob ng bahay ni Kuya hanggang sa sila na nga ang nagkatuluyan at nabiyayaan ng dalawang anak.

Kamakailan, nagtungo sa Korea ang buong pamilya nina Melai at Jason. Madalas ang update ni Melai sa kanyang IG stories at mabilis itong nag-viral at nag-trending dahil sa mga kulitan ng kanilang pamilya labis na nakapagpapasaya sa mga manonood. Sinasabing ito na rin ang pagkakataong nag-shoot si Melai ng kanyang pelikulang Ma'am Chief.

Read also

Melai Cantiveros at Herlene Budol, kinaaliwan sa kanilang TikTok video

Naging bahagi si Melai ng noontime show na It's your Lucky Day. Ito ang programang pansamantalang pumalit sa It's Showtime habang hinaharap nito ang kanilang 12-day suspension ng MTRCB. Kasama ni Melai sa nasabing noontime show sina Luis Manzano, Robi Domingo, FranSeth, mga komedyanteng sina Long Mejia, Negi, Divine Tetay at Petite.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel