Melai Francisco, aminadong pinagseselosan umano si Ivana Alawi

Melai Francisco, aminadong pinagseselosan umano si Ivana Alawi

- Naikwento ni Melai Francisco na tila updated umano ang mister na si Jason sa post ni Ivana Alawi

- Ayon pa umano kay Melai, okay lang sa kanya na tinitingnan ni Jason ang post ni Regine Velsquez subalit iba noong si Ivana na

- Paliwanag ni Jason, madalas umanong trending ang post ni Ivana dahilan para agad niya itong makita

- Kasama rin nina Melai at Jason sa naturang interview ang kanilang mga anak na sina Mela at Stela

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Melai Francisco ang umano'y pinagseselosan niya na si Ivana Alawi.

Melai Francisco, aminadong pinagseselosan umano si Ivana Alawi
Melai and Jason Francisco (Melai Cantiveros-Francisco)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanila ng kanyang mister na si Jason Francisco sa Magandang Buhay ngayong Agosto 15, naikwento ni Melai na updated umano si Jason sa post ni Ivana.

"Masaya ako pag si Mamshie Reg pero 'pag ibang babae, si Ivana kasi... mamshie Reg, updated kasi sa bagong post ni Ivana," ani Melai kung saan napa-react ang kanyang Mamshie Jolens na asahang mapapabalita ang kwento ito ni Melai.

Read also

Claudine Barretto, naniniwalang bad influence ang kasalukuyang karelasyon ni Raymart Santiago

"Tingnan mo yung bagong post ni Ivana, alam ang sabi niya, nakita ko na 'yan. Huh?," ayon pa kay Melai.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Paliwanag naman ni Jason madalas trending ang post ni Ivana kaya naman daw lagi niya itong nakikita.

Narito ang kabuuan ng panayam kina Melai at Jason Francisco mula sa Magandang Buhay ABS-CBN Entertainment:

Si Melai Cantiveros ang naging big winner sa Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Sa naturang reality show din nagmula ang kanya na ngayong mister na si Jason Francisco. Nag-umpisa ang lahat sa kulitan sa loob ng bahay ni Kuya hanggang sa sila na nga ang nagkatuluyan at nabiyayaan ng dalawang anak.

Kamakailan, nagtungo sa Korea ang buong pamilya nina Melai at Jason. Madalas ang update ni Melai sa kanyang IG stories at mabilis itong nag-viral at nag-trending dahil sa mga kulitan ng kanilang pamilya labis na nakapagpapasaya sa mga manonood. Sinasabing ito na rin ang pagkakataong nag-shoot si Melai ng kanyang pelikulang Ma'am Chief.

Read also

Mela at Stela, may makulit na reaksyon sa video nina Echo at Melai sa ABS-CBN ball

Naging bahagi si Melai ng noontime show na It's your Lucky Day. Ito ang programang pansamantalang pumalit sa It's Showtime habang hinaharap nito ang kanilang 12-day suspension ng MTRCB. Kasama ni Melai sa nasabing noontime show sina Luis Manzano, Robi Domingo, FranSeth, mga komedyanteng sina Long Mejia, Negi, Divine Tetay at Petite.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel