Potato Corner sa kontrobersyal na qualifications ng aplikante: "We deeply regret the incident"
- Agad na naglabas ng pahayag ang Potato Corner ukol sa kontrobersyal nilang qualifications para sa nais maging empleyado nila
- Bagama't burado na ang naturang post, marami na ang nakakuha ng screenshot o maging mismong nilalaman ng panawagan
- Labis umanong pinagsisihan ng Potato Corner ang naturang post gayung tila diskriminasyon ang nasasaad doon
- Paglilinaw nila, mananatili umano silang patas sa bawat indibidwal na mabigyang ng pagkakataong maging bahagi nila at magtagumpay
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naglabas na ng pahayag ang Potato Corner matapos na gumawa ng ingay sa social media ang qualifications ng mga nais maging empleyado nila.
Bagama't burado na ang naturang job posting, sinabi ng GMA Balitambayan na ang nilalaman ng mga qualifications ay may good visual impact, weight must be proportionate to height, at may clear complexion gayundin ang clear eyesight at good set of teeth."
Inalmahan ito ng mga nakakita ng naturang post na nagbiro ang ilan na tila beauty contest ang papasukin ng mga aplikante dahil sa nasabing mga hinahanap na kwalipikasyon.
Aminado ang Potato Corner na pinagsisisihan umano na ang naturang mga qualifications na nai-post.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"We at Potato Corner had an embarrassing moment over the weekend, involving a well-meaning but inappropriate job posting being released. So we hope to set things right"
"Discriminatory hiring is not something we support or condone, and not aligned to who we are. We're all about providing equal opportunities for all, and giving fair recognition and reward to effort, attitude, potential, and creating positive outcomes," dagdag pa nito.
Gayunpaman, pinasalamatan din ng Potato Corner ang patuloy na tumatangkilik at sumusuporta sa kanila
Narito ang kabuuan ng post:
Samantala, matatandaang gumawa rin ng ingay online ang "jolly towel" kung saan, imbis na chicken joy ang na-deliver, bimpo na nai-deep fry lamang ito. Agad ding naglabas ng pahayag ang Jollibee ukol sa kontrobersya. Isa sa mga hakbangin nila ay pagtrain muli sa kanilang mga empleyadong upang masiguradong hindi na muli ito magaganap pa sa kanila. Ipinasara rin ng ilang araw ang naturang branch na nakapag-serve ng naturang 'fried towel.'
Samantala, isang dating crew naman ng naturang fast food ang nagdetalye ng kanyang preparasyon noon ng "chicken joy". Halos hindi siya makapaniwala sa ipinupukol ngayon ng ilan sa Jollibee at kahit na kabi-kabila ang mga isyu nito, hayagan niyang sinabi ang pagmamalaki sa Jollibee at ipinagpasalamat niya ang limang taon na naitulong nito sa kanya.
Sa kabila ng mga pangyayaring ito, patuloy pa rin ang pagtangkilik ng marami sa paboritong fast food chain ng mga Pinoy. Isa na rito si Ogie Diaz na napa-react sa naturang insidente sa isang branch ng Jollibee. Aniya, love pa rin niya ang chicken joy sa kabila ng nangyaring ito. Bukod kay Ogie, isa rin si Aga Muhlach sa mga nagpabatid ng suporta sa Jollibee sa mga panahong iyon. Sa kanyang IG post, pinasalamatan pa niya ang fast food chain sa ilang dekada na nakasama umano ito ng kanyang pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh