Ogie Diaz, isa sa mga nagpakita ng suporta sa Jollibee sa kabila ng "fried towel" controversy

Ogie Diaz, isa sa mga nagpakita ng suporta sa Jollibee sa kabila ng "fried towel" controversy

- Naglabas ng saloobin si Ogie Diaz kaugnay sa kontrobersiyal na "fried towel" ng Jollibee

- Maging si Ogie ay isa sa mga patuloy na sumusuporta sa Jollibee sa kabila ng viral post

- Aniya na "love" pa rin niya ang paboritong fast food chain ng mga Pilipino

- Marami rin sa mga kilalang artista ang nagpakita ng suporta sa Jollibee na "dekada" na tagal ng pagpapasaya sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa ang komedyante at showbiz reporter na si Ogie Diaz sa mga nagpakita ng suporta sa Jollibee sa kabila ng "fried towel" issue na lumabas kamakailan.

Nalaman ng KAMI na naglabas ng pahayag si Ogie sa kanyang Facebook at sinabing "love" pa rin niya ang Jollibee sa kabila ng mga nangyayari.

"Pasensya na. Love pa rin namin ang chicken joy ng Jollibee. Saka lang ako mate-turn off pag pritong kumot na ang makakain ko."

Read also

Rabiya Mateo, kumanta ng "Only Reminds Me of You" sa isang Meet and Greet event

Ogie Diaz, isa sa mga nagpakita ng suporta sa Jollibee sa kabila ng "fried towel" controversy
Photo: Ogie Diaz
Source: Instagram

Bukod kay Ogie, isa rin si Aga Muhlach sa mga nagpabatid ng suporta sa Jollibee. Sa kanyang IG post, pinasalamatan pa niya ang fast food chain sa ilang dekada na nakasama umano ito ng kanyang pamilya.

"Tatlong dekada ng pagsasama. Naging pamilya. Niyakap ng bawat Pilipino. Maraming salamat, Jollibee! We love you always and forever!"

Gayundin si Anne Curtis na naging isa sa mga endorsers ng Jollibee ay nagpahayag ng pagmamahal at suporta.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Matatandaang nito lamang Martes, Hunyo 1 nang mag-viral ng isang customer kung saan ipinakita nito ang "fried towel" na nai-deliver sa kanila na dapat ay "chicken joy" ng Jollibee.

Agad na naglabas ng pahayag ang Jollibee kaugnay ng pangyayari at ipinasara ng tatlong araw ang branch na nag-serve umano ng "fried towel".

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Dating service crew, ipinagmamalaki pa rin ang Jollibee sa kabila ng kontrobersiya

Samantala, isang dating crew naman ng naturang fast food ang nagdetalye ng kanyang preparasyon noon ng "chicken joy". Halos hindi siya makapaniwala sa ipinupukol ngayon ng ilan sa Jollibee at kahit na kabi-kabila ang mga isyu nito, hayagan niyang sinabi ang pagmamalaki sa Jollibee at ipinagpasalamat niya ang limang taon na naitulong nito sa kanya.

Sa kabila ng mga pangyayaring ito, patuloy pa rin ang pagtangkilik ng marami sa paboritong fast food chain ng mga Pinoy.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica