Grade 10 student, niregaluhan ng Php1 milyon ng kanyang kuya

Grade 10 student, niregaluhan ng Php1 milyon ng kanyang kuya

- Isang grade 10 student ang nakatanggap ng isang milyong piso sa kanyang Moving-Up day

- Mula ito sa kanyang kuya na si Christian Merck Grey na isang vlogger

- Patungo na umano sa Amerika ang estudyante kaya bilang pabaon, naisipan ni Christian na pera ang iregalo sa kapatid

- Inakala pa ng estudyante na prank lamang ito gayung kapa na gawa sa mga Php1,000 bills ang bumungad sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Halos hindi makapaniwala ang grade 10 student na si Charles Joseph "CJ" Baybay nang matanggap niya ang isang miyong piso mula sa kanyang kuya.

Grade 10 student, niregaluhan ng Php1 milyon ng kanyang kuya
Sina Christian, CJ at kanilang ina (Christian Merck Grey)
Source: Facebook

Ang kanyang kuya, ay walang iba kundi ang vlogger na si Christian Merck Grey na minsang nakilala bilang 'Makagwapo.'

Kwento ni Christian sa 'Good News' ng GMA, moving-up day ng grade 10 niyang kapatid at with honors pa ito kaya naman naisipan nilang bigyang ng bonggang regalo.

Read also

Valentine Rosales kay MJ Lastimosa: "Di siguro naintindihan English"

At dahil pabalik na raw ito ng Amerika, naisip niyang Php1,000,000 ang ibigay bilang pabaon sa kapatid.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kaya naman inakalang prank ni CJ ang lahat dahil nang bumungad sa kanya ang isang milyong piso, isa itong napakahabang kapa na yari sa Php1,000 bills.

Malaki naman ang pasasalamat ni CJ sa surpresa ng kanyang kuya na noon pa ma'y suportado na siya.

Sa ngayon, ipinagkatiwala muna ni CJ sa kanyang ina ang pera at naiisip din niyang magtayo ng negosyo gamit ito.

Moving-Up ceremonies at hindi pa maituturing na graduation ang tawag sa pagtatapos ng mga Junior High School Students o iyong nasa Grade 10. Gayunpaman, dalawang taon pa ang kanilang bubunuin para matapos naman ang senior high school.

Matatandaang kamakailan, isang grade 10 student ang nakatanggap din ng money garland mula sa kanyang tita. Wala mang honors, naisip pa rin ng kanyang tita na bigyan siya ng Php100,000 upang sipagan pa lalo nito ang pag-aaral. Pasasalamat din ito ng kanyang tita sa walang sawang pag-aalaga nito sa iba pa nilang kaanak.

Read also

Wilbert Tolentino, magbibitiw na bilang manager ni Herlene Budol: "Effective July 31, 2023"

Isa rin sa pumukaw sa damdamin ng mga netizens kamakailan ay ang nagtapos ng kolehiyo na si Juvelyn Dela Torre Eugenio. Bitbit kasi ni Juvelyn ang larawan ng kanyang mga magulang na yumao na. Hindi na inabot ng mga magulang ni Juvelyn ang kanyang graduation gayung magkasunod na taon halos ito nawala. Subalit siniguro ni Juvelyn na makakasama niya sa pag-akyat sa stage ang mga magulang kahit larawan manlang ng mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica