Vlogger na aminadong hirap magbasa noon, maraming tao na ang natulungan
- Inamin ng vlogger na si TechRam na hirap siya sa pag-aaral lalo na sa pagbabasa
- Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, nailahad ni TechRam ang hindi man siya noon kagalingan bilang mag-aaral, nagkaroon naman siya ng magandang misyon sa buhay
- Marami na siyang natulungan at nabago ang buhay ngayon
- Nang tanungin siya ni Toni kung hanggang kailan niya gagawin ang pagtulong, diretsa niyang sinabing hanggang kamatayan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nakapanayam ni Toni Gonzaga ang isa sa mga kilalang vlogger sa bansa, si TechRam.
Nalaman ng KAMI na nakilala si TechRam sa dami ng mga kababayan nating naghihikahos na kanyang natulungang mabago ang buhay.
Sa naturang interview, naikwento ni TechRam kung ano siya bilang mag-aaral.
"Takot nga akong mag-aral nun. Sa'min pong magkakapatid ako po yung walang alam, bobo... ganun," ang pag-amin ni Ram na halos hindi paniwalaan ni Toni.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"Yung ate ko po 'pag tuturuan na po niya ako, talagang yung lapis, yung asin e papaluhurin po ako sa asin... Hirap po kasi akong umintindi," dagdag pa niya.
Humantong pa na kahit high school na siya ay hirap pa rin talaga siyang magbasa.
"Kasi po first year o second year high school na po ako nun, hindi ko pa matutunang magbasa. Up to college ma'am."
Gayunpaman, dahil sa kahinaan niyang ito noon, natutunan niya ang isa sa mga pinakamahalagang aral na kanyang napagtanto.
"Dito ko nakita na kung nandun yung tulungan, pagmamahalan, malasakit sa pamilya, yung pangarap mo na maganda sa mga kapatid mo Kayang-kaya pong abutin," ani TechRam na nakatapos din naman ng Kolehiyo sa kabila ng mga pinagdaanang ito.
At ngayon, maraming buhay na rin ang kanyang napaginhawa dahil sa mga tulong na naibibigay niya.
Tulad niya, nagkakaroon ng pag-asa at kumpiyansa ang kanyang mga natutulungan na talaga namang inspirasyon ang hatid sa marami.
Si TechRam ay isa sa mga kilalang vlogger sa bansa na ang kadalasang content ng kanyang mga video ay ang pagtulong sa kapwa. Mayroon na siyang 2.4 million subscribers sa YouTube.
Isa sa mga tinutukan niyang tulungan ay ang matandang mag-isang namumuhay at nagtitiis sa bahay niyang may nakasusulasok na amoy.
Napaayos ni TechRam ang bahay ng matanda na si Nanay Luz at ipinamili na rin niya ito ng kagamitan. Madalas niyang itong balikan upang kumustahin ang kanyang kalagayan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh