Toni Gonzaga, naikwentong napapaluhod noon sa asin at monggo si Alex

Toni Gonzaga, naikwentong napapaluhod noon sa asin at monggo si Alex

- Naikwento ni Toni Gonzaga na minsan na niyang napaluhod sa asin ang kapatid na si Alex

- Nabanggit niya ito matapos na maikwento ng Vlogger na si Tech Ram ang buhay niya bilang bata

- Ani Toni, naranasan niyang parusahan ang kapatid dahil sa 'di magandang nagawa nito

- Bukod sa asin, nagamit din ni Toni ang monggo sa pagpapaluhod sa kapatid para magtanda ito sa maling nagawa niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inamin ni Toni Gonzaga na napaluhod niya noon ang kapatid na si Alex Gonzaga sa asin.

Toni Gonzaga, naikwentong napapaluhod noon sa asin asin at monggo si Alex
Toni Gonzaga (Toni Gonzaga Studio)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na naikwento niya ito nang mabanggit ng panauhin iyang si TechRam na nagagawa rin ito sa kanya ng kanyang ate.

"Pinaluhod ko si Alex sa asin," natatawang nabanggit ni Toni kay Tech Ram.

Read also

Vlogger na aminadong hirap magbasa noon, maraming tao na ang natulungan

Bukod sa asin, napapaluhod din si Ram sa monggo na ikinagulat din ni Toni gayung maging sa monggo ay napapaluhod din niya si Alex.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Monggo? oh my gosh! minunggo ko rin si Alex. Napagalitan na ako, nauubos ko raw 'yung asin," ani Toni.

Nagagawa raw niya ito bilang kaparusahan sa kapatid na nagsalita ng noo'y nagmura.

"Hindi kasi 'yung kay Alex nagmura. Bawal kasi sa'min 'yun nagmura."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel niyang Toni Gonzaga Studio:

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay sa dalawang anak nina Taytay, Rizal, Vice-Mayor Carlito "Bonoy" at Crisanta "Pinty" Cruz Gonzaga. Si Toni ang ate ng isa ring kilalang aktres at TV host na si Catherine "Cathy" Gonzaga o mas kilala bilang si Alex Gonzaga.

Read also

Zeinab Harake, ibinida ang kanyang panganay na si Lucas: "May binata na talaga ako"

Minsan na ring naikwento ni Toni na ang kapatid niyang si Alex ang nagkumbinsi sa kanya na mag-vlog. Subalit kapansin-pansin na magkaiba ang tipo ng content ng kanilang mga videos.

Sa ngayon, isa ang 'Toni Talks' sa kanyang channel na Toni Gonzaga Studio, sa pinakaaabangang talk show sa YouTube. Linggo-linggo, inspirasyon ang hatid ng mga kwento ng personalidad na kanyang nakakapanayam.

Nito lamang Enero, labis ang pasasalamat ni Toni sa lahat ng sumuporta at dumalo sa kanyang birthday concert at selebrasyon ng kanyang ika 20 taon sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel