Nagtapos na cùm laude, alay ang tagumpay sa amang PWD na nangangalakal
- Marami ang bumilib sa kwento ng nagtapos bilang cùm laude na si Ross Leo Mercurio
- Alay niya ang tagumpay sa amang PWD na matiyagang naitaguyod sila sa pamamagitan ng pangangalakal
- Labis-labis ang pasasalamat ni Ross sa ama na sa kabila ng kondisyon nito at edad, nasuportahan nito ang pag-aaral nilang magkakapatid
- At ngayong nakapagtapos na siya sa kolehiyo, handa na si Ross na suklian ang lahat ng sakripisyong ibinigay ng kanilang ama
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Umantig sa puso ng marami ang post ni Ross Leo Forbes Mercurio na nakapagtapos bilang cùm laude sa kursong Bachelor of Science in Agri Business Management and Entrepreneur sa Polytechnic University of the Philippines sa Lopez, Quezon kamakailan.
Nalaman ng KAMI na ang tagumpay niyang ito ay handog niya sa amang si Rosauro Mercurio o mas kilala bilang si "Totoy". Isang PWD umano ang kanyang ama ngunit naitaguyod pa rin nito ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng pangangalakal.
"Katas ng Kalakal... Una sa lahat maraming salamat sa aking mga magulang sa walang sawang paggabay at pagsuporta sakin para ako ay makatapos sa pag-aaral. Lalong lalo na sa aking huwarang ama na laging andyan para sa aming pamilya na ginagawa ang lahat para maitaguyod kaming magkakapatid para makatapos sa pag-aaral na sa kabila ng kanyang pagiging senior citizen at kapansanan ay hindi ito naging hadlang para sumuko, hindi nagpapahinga para maibigay ang pangangailangan ng aming pamilya kahit araw ng linggo andyan sa lansangan naghahanap buhay, minsan inaabot ng init at ulan sa lansangan pero hindi kailanman naisip na sumuko," ang bahagi ng post ni Ross.
At ngayong nakatapos na siya sa pag-aaral, handa na siyang suklian ang lahat ng sakripisyong nagawa ng kanilang ama para lamang masigurong tuloy-tuloy ang pagkamit nila ng edukasyon.
"Pa, this is it! Sobrang proud ako kasi naitaguyod mo kaming magkakapatid sa kabila ng iyong edad at kapansanan hindi ito naging hadlang para matustusan ang pag-aaral naming magkakapatid. Sa loob ng 17 years ko na pag-aaral, nasaksihan ko lahat ng pagod at hirap na pinagdaanan natin kaya sobrang proud ako sa'yo pa," ani Ross para sa ama na tanging edukasyon ang maipamamana sa kanila.
Bukod dito, isa rin si Ross mga kababayan nating working student na dala ng kasipagan at determinasyon, napagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Hindi naging madali para sa akin ang pagsabayin ang pagaaral habang nagtratrabaho andyan 'yung stress, puyat at pagod yung kailangan mo ng time managent yung trabaho sa umaga tapos aral sa gabi gawa ng mga project , assignment at activities na kailangan isubmit sa takdang oras. Kailangan mo matulog ng hatinggabi, minsan madaling araw tapos gising ng maagap para pumasok ng trabaho. Minsan napapaisip na ako kaya ko kaya? Naiisipan ko nang sumuko minsan pero maraming salamat kase andiyan kayo nagpapalakas ng loob ko para labanan lahat ng mga pinagdaanan ko na hirap, pagod, puyat at stress kaya walang sawang pasasalamat po sa lahat"
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
Sa kabila ng pandemyang ating kinakaharap pa rin sa ngayon, marami sa mga viral stories sa social media ang nagbibigay inspirasyon sa atin upang ipagpatuloy ang mga pangarap sa pamamagitan din ng pagpapatuloy ng edukasyon.
Tulad ng kwento ni Ross, minsan ding hinahangaan ang kwento ni Geronimo Tolibas na napagtapos ang mga anak sa kolehiyo sa paglalako ng mga 'scrunchies' o mga panali sa buhok.
Matapos kasing mag-viral ang post ng isa sa mga nakabili ng paninda ni Tatay Geronimo, Nagpadala ng mensahe ang isa sa mga anak ng vendor sa uploader at sinabing sa paglalako ni Tatay Geronimo, nakatapos silang apat na magkakapatid sa kolehiyo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh