Jessy Mendiola at Luis Manzano, pinakita ang kanilang kauna-unahang customized van

Jessy Mendiola at Luis Manzano, pinakita ang kanilang kauna-unahang customized van

- Ayon kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, ngayon lang sila nagkaroon ng customized van o kilala din sa tawag na artista van

- Nilinaw nilang noon ay hindi nila naisip na bumili ng artista van dahil sa tingin nila ay hindi praktikal

- Gayunpaman, dahil sa kanilang paparating na baby ay naisip nilang kailangan din nila ito para mas maging komportable ang pamilya nila kapag nasa biyahe

- Bukod sa nakalagay na amenities na karamihang nakikita sa artista van, mayroon ding nakalagay na changing table para sa kanilang Baby Peanut

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita nina Jessy Mendiola at Luis Manzano ang kanilang kauna-unahang artista van. Hindi daw sila parehas nagkaroon ng customized van noon dahil sa tingin nila ay hindi iyon praktikal noong mga panahong nagtatrabaho sila.

Jessy Mendiola at Luis Manzano, pinakita ang kanilang kauna-unahang customized van
Jessy Mendiola at Luis Manzano, pinakita ang kanilang kauna-unahang customized van (@senorita_jessy)
Source: Instagram

Ang dahilan umano ng kanilang pagpapagawa ng customized van ay para maging komportbale sila kapag bumibiyahe bilang pamilya lalo at malapit nang isilang ang kanilang anak.

Read also

Maxene Magalona sa nagsabing "nagpa-renovate" siya ng ilong: "One of my favorite comments"

Jessy Mendiola at Luis Manzano, pinakita ang kanilang kauna-unahang customized van
Jessy Mendiola at Luis Manzano, pinakita ang kanilang kauna-unahang customized van (Screenshot from Jessy Mendiola YT)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bukod sa TV, high-tech na upuan, cooler at CR, mayroong changing table na nakalagay sa likod na bahagi ng van para mas madali na sakaling kailangan palitan ang diaper ng kanilang baby.

Jessy Mendiola at Luis Manzano, pinakita ang kanilang kauna-unahang customized van
Jessy Mendiola at Luis Manzano, pinakita ang kanilang kauna-unahang customized van (Screenshot from Jessy Mendiola YT)
Source: Instagram

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut. Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Read also

It's Showtime hosts, emosyonal sa kantang "Laban" na ginawa ni Teddy Corpus

Binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpapa-check up kasama ang asawa niyang si Luis. Bahagi ng kanyang video ay makikita ang 4D ultrasound kung saan makikita ang facial feature ng anak nila ni Luis. Maging ang sumusuri kay Jessy ay napansing matangos ang ilong ni Baby Peanut. Tuwang-tuwa naman si Luis at nagpasalamat pa dahil aniya, si Jessy ang kamukha ng kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel