Jessy Mendiola at Luis Manzano, binahagi ang 4D sonogram ng kanilang baby

Jessy Mendiola at Luis Manzano, binahagi ang 4D sonogram ng kanilang baby

- Binahagi ni Jessy Mendiola sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpapa-check up kasama ang asawa niyang si Luis Manzano

- Bahagi ng kanyang video ay makikita ang 4D ultrasound kung saan makikita ang facial feature ng anak nila ni Luis

- Maging ang sumusuri kay Jessy ay napansing matangos ang ilong ni Baby Peanut

- Tuwang-tuwa naman si Luis at nagpasalamat pa dahil aniya, si Jessy ang kamukha ng kanilang anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinagpasalamat ni Luis Manzano na kamukha umano ni Jessy Mendiola ang anak nila. Ito ang kanyang nasabi nang makita niya sa 4D ultrasound ang mukha ng kanilang baby.

Jessy Mendiola at Luis Manzano, binahagi ang 4D sonogram ng kanilang baby
Jessy Mendiola at Luis Manzano, binahagi ang 4D sonogram ng kanilang baby (@senorita_jessy)
Source: Instagram

Sa binahaging video ni Jessy ay tumungo sila ni Luis sa kanyang prenatal checkup. Normal naman daw ang lahat kay Baby Peanut kaya masaya silang mag-asawa.

Naibahagi din ni Jessy na nakatakda silang lumipat ng bahay na aniya ay akma para sa pagkakaroon nila ng baby.

Read also

Wil Dasovich, tinanghal na panalo sa World Vlog Challenge

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naghahanda din ang mag-asawa para sa kanilang bakasyon sa ibang bansa para makapag-relax.

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang reaksiyon ng kani-kanilang pamilya tungkol sa pagbubuntis niya. Naibahagi niyang hindi na niya nakuhanan ng video ang unang naging reaksiyon ng kanyang pamilya dahil nasa ibang bansa ang mga ito. Bukod pa dito ay agad daw na pinagsabi ng kanyang mama ang balita dahil sa sobrang tuwa nito. Halos maiyak naman sa tuwa ang mga magulang ni Luis na sina Edu Manzano at Vilma Santos.

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut. Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel