Neri Naig, ibinahagi ang humble beginnings; nagbigay ng tips sa pagnenegosyo

Neri Naig, ibinahagi ang humble beginnings; nagbigay ng tips sa pagnenegosyo

- Ibinahagi ni Neri Naig Miranda ang kanyang mga naging karanasan sa buhay mula pagkabata

- Ito umano ang mga naging daan sa kanyang tinatamasang tagumpay ngayon

- Umabot na sa mahigit sampu ang kanyang mga negosyon na pinagkakaabalahan ngayon

- Malaki rin ang pasasalamat niya sa suportang ibinibigay sa kanya ng mister na si Chito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Neri Miranda ang kanyang 'humble beginnings' sa panayam sa kanya ni Karen Davila.

Neri Naig, ibinahagi ang humble beginnings; nagbigay ng tips sa pagnenegosyo
Neri Naig Miranda (@mrsnerimiranda)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ang mga karansang iyon ang nagpatatag kay Neri at siyang naging dahilan para matawag siyang 'Wais na Misis' sa ngayon.

Aminado si Neri na isinilang siya sa pamilyang may pangkaraniwang buhay. Hindi man umano sila labis na naghirap ngunit may ilang mga pagsubok din siyang dinanas na siyang nagpatibay sa kanya ngayon.

Read also

Cong Velasquez, binigyang pugay ng kapatid na si Pat: "Napaka-humble na tao"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Growing-up naman, hindi ko naramdaman na mahirap na mahirap kami kasi kahit papano, kasi sa probinsya hindi naman kami namamalimos o ano. Pero naranasan ko 'yung lahat kaming magkakapatid hindi papasok kasi wala kaming pamasahe," pahayag ni Neri.

"Naranasan ko ring maglako ng ulam pero college na ako nun. Kasi kailangan kong magdagdag ng pamasahe. Kasi college ka, nilalakad ko lang. Nasa Baguio na ako nung college. Pero naranasan kong magtinda ng barbecue pagkatapos ng school, palit lang ako tapos sa labas ng gate magba-barbecue ako," dagdag pa niya.

Maging ang pag-alaga ng baboy ay kanya ring dinanas at isa ito sa mga bagay na binabalikan niya ngayon bilang isang matagumpay na negosyante.

"Nag-alaga ako ng baboy at kumukuha ng kaning baboy sa mga kapitbahay... Doon ako natutong maging madiskarte," ani Neri.

Read also

Xian Gaza sa umano'y tsismis kina Angel, Neil at Maxene; "Respeto nalang sana sa mag-asawa"

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Karen Davila:

Si Neri Naig Miranda o Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda sa tunay na buhay ay isang aktres na unang nakilala nang mapasali siya sa reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Tinanghal siyang 6th runner-up sa naturang talent search. Taong 2014 nang ikasal sila ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Sa ngayon, isa nang matagumpay na businesswoman si Neri na labis na hinahangaan ng marami dahil sa kanyang kakaibang sipag at diskarte sa pagnenegosyo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel