Cong Velasquez, binigyang pugay ng kapatid na si Pat: "Napaka-humble na tao"

Cong Velasquez, binigyang pugay ng kapatid na si Pat: "Napaka-humble na tao"

- Binigyang pugay ni Pat Velasquez ang kanyang kapatid na si Cong sa isang TikTok video niya

- Aniya, hindi nila mararating ang tagumpay ngayon bilang vloggers kung hindi dahil sa kanyang 'Kuya Cong"

- Lagi raw nilang ina-acknowledge ang kanilang Kuya Cocon na nilarawan niyang napaka-humble na tao

- Nagamit niya ang salitang 'Hindi raw sila nito binigyan ng isda, ngunit tinuruan sila nitong mangisda nangangahulugang ibinahagi ni Cong ang kanyang biyaya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Todo-todo ang papuring ibinigay ni Pat Velsquez sa kanyang kuya na si Cong Velasquez.

Cong Velasquez, binigyang pugay ng kapatid na si Pat: "Napaka-humble na tao"
Sina Cong, Pat at kanilang mga kapatid (@patislol)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na labis ang pasasalamat ni Pat kanyang kapatid na siyang naging daan para pasukin din ang pagba-vlog.

"Alam niyo guys sobrang thankful kami ni Keng kay Kuya Cong sa ibinigay niyang opportunity sa amin.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Neri Naig, ibinahagi ang humble beginnings; nagbigay ng tips sa pagnenegosyo

"Actually lagi namin siyang ina-acknowledge si kuya dahil, hindi naman namin mararansan ito kung hindi dahil sa kanya
"Pero alam mo, ang lagi niyang sagot sa amin. HIndi ako 'yan dahil s inyo... Napaka-humble na tao. Hindi niya kami binigyan ng isda, tinuruan na mangisda and we are forever grateful to Kuya" ani Pat.

Samantala, sinang-ayunan naman siya ng maraming netizens na labis ding humahanga kay Cong. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Totoo po 'yan, nakakabilib kayong magkakapatid"
"Agree... Napakaswerte ng family niyo lalo na ni Baby Kidlat"
"Kahit puro kulitan, ramdam mo ang respeto at pagmamahal sa family na ito"
"Nakakatuwa po kayong magkapatid... Deserve niyo po ang success niyo ngayon lalo na ni Cong"

Si Lincoln "Cong" Velasquez ay isa sa mga kilalang vlogger sa bansa. Mayroon na siyang halos 10 million na subscribers sa kanyang YouTube channel na Cong TV. Nobya niya ang vlogger at CEO ng VIY Line cosmetics na si Viy Cortez.

Read also

Xian Gaza sa umano'y tsismis kina Angel, Neil at Maxene; "Respeto nalang sana sa mag-asawa"

Samantala ang misis nitong si Viy Cortez ay labis ding kahanga-hanga lalo na pagpapatakbo ng kanyang negosyo.

Si Viy ay CEO ng VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare. Nito lamang Hulyo ngayong taon, isinilang niya ang panganay na anak nila ni Cong na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez na tinatawag nila ngayong "Kidlat".

Hinangaan sila kamakailan dahil sa pagpapaabot nila ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng kamakailan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel