Viral na dalagita sa unicycle, 30-45 minutong pumapadyak pauwi mula paaralan

Viral na dalagita sa unicycle, 30-45 minutong pumapadyak pauwi mula paaralan

- Nag-viral kamakailan ang isang dalagitang nakamamanghang naka-unicycle sa kalsada

- Papauwi pala ito sa kanilang tahanan mula sa paaralan kaya habang pumapadyak, bitbit nito ang gamit sa eskwela

- Ayon sa kanyang ama, iyon lamang ang kinaya ng kanilang pera na sana'y bisikleta na mas ligtas para sa anak

- Matapos na mag-viral isang bike shop ang nagregalo sa estudyante ng bisikleta na magagamit niya papasok sa paaralan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang namangha sa grade 7 student na si Hannamichi Jeanky Lomoljo na nag-viral kamakailan dahil sa video niya kung saan nababalanse niyang gamitin ang unicycle.

Viral na dalagita sa unicycle, 30-45 minutong pumapadyak pauwi mula paaralan
Photo: Hannamichi Jeanky Lomoljo (Jonathan Paa)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kuha ng netizen na si Jonathan Paa ang naturang video na bumilib din sa husay ng pagbabalanse ni Hannamichi lalo na at dala pa niya ang mga gamit sa paaralan habang bumabalanse at pinapandyak ang unicycle.

Read also

Lotlot de Leon, nag-post ng picture ng inang si Nora Aunor

Sa panayam sa kanya ng GMA News, napag-alamang nasa 30 hanggang 45 minuto ang itinatagal ng kanyang pagpadyak mula sa paaralan.

"Kailangan po talagang magtipid, kasi po kung mag-tricycle po pauwi wala naman po kaming makain," paliwanag ni Hanna na naluluha na.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang kanyang ama na isang company driver ang nagturo sa kanyang mag-unicycle. Gusto sana niya na bike ang ibili kay Hannamichi subalit kinapos na siya sa budget.

Subalit matapos ngang mag-viral ang post, isang bike shop sa kanilang lugar sa Bocaue, Bulacan ang naghandog kay Hannamichi ng bisikleta na mas ligtas gamitin kaysa unicycle.

Noong Agosto 22 ng kasalukuyang taon, nagbukas muli ang mga paaralan sa kauna-unahang nationwide in-person classes sa mga pampublikong paaralan makalipas ang dalawang taon.

Matatandaang ilang mga eskwelahan na nasa ilalim ng alert level 1 ang nagsimula nang magbalik paaralan sa pagtatapos ng panuruang taon 2021-2022. At dahil sa naging matagumpay ang pagsasagawa ng face to face classes, pinahintulutan nang magbalik paaralan muli ang mga estudyante.

Read also

Anne Curtis, nataranta habang nagluluto sa tulong ng instruction ni Erwan Heussaff

Katunayan, ilang mga lungsod na ang nagpatupad ng in-person classes. Habang ang iba naman ay naka-online classes parin at minsan sa isang lingo ay pinapapasok din ng paaralan para mas mapaliwanagan ng teacher at makasalamuha rin ang kanilang mga kamag-aral.

Gayunpaman, sa kabila ng matagumpay na pagsasagawa ng in-person classes, naharap muli sa kontrobersiya ang Kagawaran ng Edukasyon sa umano'y teacher na napagsalitaan ng 'di maganda ang kanyang estudyante.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica