Lotlot de Leon, nag-post ng picture ng inang si Nora Aunor

Lotlot de Leon, nag-post ng picture ng inang si Nora Aunor

- Nag-post si Lotlot de Leon ng throwback picture nila ng kanyang inang si Nora Aunor sa social media

- Matatandaang kamakailan ay lumabas ang balita tungkol sa pagbabati nilang mag-ina matapos ang kanilang naging tampuhan

- Si Lotlot umano ang nagbantay sa kanyang mommy nang madala ito sa ospital kamakailan

- Marami naman sa mga netizens ang naghayag ng kanilang kasiyahan na makitang maayos na ang relasyon ng mag-ina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Lotlot de Leon ng throwback picture nila ng kanyang inang si Nora Aunor. Kamakailan lang din lumabas ang balitang nagkaayos na silang mag-ina matapos ang kanilan naging tampuhan.

Lotlot de Leon, nagpost ng picture ng inang si Nora Aunor
Lotlot de Leon, nagpost ng picture ng inang si Nora Aunor (@ms.lotlotdeleon)
Source: Instagram

Hindi man nakasama sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang ina noong Hunyo kung saan binahagi pa ni Nora sa kanyang YouTube channel, si Lotlot umano ang nagbantay sa kanyang mommy nang madala ito sa ospital kamakailan.

Read also

Moira Dela Torre: "Naging blind na po ako sa pag-ibig dati ayoko na po"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Marami naman sa mga netizens ang naghayag ng kanilang kasiyahan na makitang maayos na ang relasyon ng mag-ina:

You and your siblings are admirable. The love for each other is your greatest gift to your parents . They brought you guys so well with values and respect.
Masaya ako na magkabati na kayo.
Love this picture . Di ko alam bakit ako napapa iyak. Siguro dahil sobrang saya ko na okay na kayo

Si Lotlot de Leon o Charlotte Jennifer de Leon-El Soury sa totoong buhay ay sumikat nang maging bahagi ng That's Entertainment, kung saan naipareha siya kay Ramon "Monching" Christopher. Pumatok ang tambalan nila noong dekada 80. Ilan sa mga pelikula kung saan naitambal sila ay Bunsong Kerubin (1987), Love Boat: Mahal Trip Kita (1988), Love Letters (1988), Here Comes the Bride (1989), Mga Kuwento ng Pag-big (1989) Hotdog (1990) at marami pang iba. Ikinasal siya kay Monching Gutierrez noong March 27, 1989 at nagkahiwalay sila noong 2010. Muling ikinasal si Lotlot kay Fadi El Soury noong December 17, 2018.

Read also

Anne Curtis, nataranta habang nagluluto sa tulong ng instruction ni Erwan Heussaff

Samantala, ang anak ni Lotlot na si Janine Guttierez ay naging usap-usapan kamakailan kasunod ng paglabas ng balitang hiwalay na sila ng boyfriend nitong si Rayver Cruz. Para naman kay Lotlot ay hindi niya i-pe-pressure ang anak niya na magpakasal.

Kamakailan ay masayang ibinahagi ni Matet de Leon ang picture nilang magkakapatid kasama ang kanilang inang si Nora Aunor. Ani Matet, kasama nila ang kanilang "Queen" sa pagdiriwang ng Mother's Day. Kasama din ang kapatid niyang si Ian de Leon sa naturang picture na kanyang binahagi. Marami sa mga tagasuporta ni Ate Guy ang natuwa na makita silang magkakasamang mag-iina matapos ang naging tampuhan nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel