Viral teacher na umano'y nagmura, haharap sa admin proceedings ayon sa DepEd
- Mahaharap sa administrative proceedings ang nag-viral na teacher na umano'y nakapagsalita agad ng 'di maganda sa kanyang mag-aaral
- Ayon sa Department of Education, hindi nila ito isasawalang bahala lalo na at isa itong seryosong usapin
- Matatandaang ang tiya ng estudyante ang siyang nag-post na 'di umano'y nasabi ng teacher sa kanyang pamangkin na umuwing umiiyak
- Sa tindi ng takot, isinulat na lamang ng bata ang umano'y nasabi ng teacher na labis nilang ikinagulat at ikinasama ng loob
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagsalita na ang Department of Education kaugnay sa naganap na pagmumura 'di umano ng isang teacher sa kanyang Grade 5 student sa unang araw pa lamang ng klase noong Agosto 22.
Nalaman ng KAMI na nakarating na sa DepEd ang naturang sitwasyon matapos na mag-viral ang post ng nagpakilalang tiya ng estudyante na si Jeannie Vargas.
Sa kanyang post, makikita ang kapiraso ng papel kung saan nakasulat ang 'di umano'y nasabing masasakit na salita ng kanyang teacher dahilan para umuwi ito na iyak ng iyak.
"Grade 5 lang pamangkin ko. Pagkagaling sa school, iyak ng iyak. Sa sobrang hindi maexplain nangyari sa school, sinulat na lang nya para lang masabi sa nanay nya anong mga sinabi sa kanya ng teacher nya. At sobrang nakakalungkot at nakakasakit ng puso tong nababasa ko na sinulat nya," ani Jeannie.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, sa ulat ng Inquirer, sinabing hindi ito isinantabi ng DepEd.
"The teacher will be subjected to administrative proceedings in accordance with our rules. The DepEd takes these incidents very seriously," ayon kay DepEd spokesman Michael Poa.
Sasailalim naman sa Psychological first aid ang estudyante at patuloy na imo-monitor ang kalagayan dagdag pa ni Poa.
Narito ang kabuuan ng post:
Nito lamang Lunes, Agosto 22 nang magbukas muli ang mga paaralan sa kauna-unahang nationwide in-person classes sa mga pampublikong paaralan makalipas ang dalawang taon.
Matatandaang ilang mga eskwelahan na nasa ilalim ng alert level 1 ang nagsimula nang magbalik paaralan sa pagtatapos ng panuruang taon 2021-2022. At dahil sa naging matagumpay ang pagsasagawa nito, pinahintulutan nang magbalik paaralan muli ang mga estudyante mula Kinder hanggang kolehiyo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh