Sen. Tulfo, ipasasama na sa Maynila si Leobert Dasmariñas para sa lie detector test
- Iminungkahi ni Sen. Raffy Tulfo sa ipinadala niyang reporter ng RTIA sa Palawan na si Leobert Dasmariñas ang dadalhin nila sa Maynila
- Ito ay upang mas mapadali ang pagsasailalim nito sa lie detector test na makatutulong sa pag-usad ng kaso ni Jovelyn
- Hihintayin pa sana ng grupo ng RTIA ang NBI na siyang magsasagawa ng test subalit minabuti na ni Tulfo na dalhin na si Dasmariñas sa Maynila
- Ito ay makatutulong upang masabi estado ng pagsasabi ng katotohanan ng suspek na tila pabago-bago umano ang nabibitawang mga pahayag
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Muling nagbigay pahayag ang reporter ng Raffy Tulfo in Action kaugnay sa pag-usad ng kaso ni Jovelyn Galleno, ang 22-anyos na unang naibalitang nawala noong Agosto 5.
Nalaman ng KAMI na bahagi ng pagtutok ni Senator Raffy Tulfo sa kaso ay ang pananatili ng reporter na si Mary Rose Cruz sa Puerto Princesa, Palawan kung saan naganap ang pagkawala ni Galleno.
Ayon sa reporter, hinihintay pa rin nila umano DNA result sa NBI at naka-schedule naman ang suspek na si Leobert Dasmariñas sa polygraph test sa susunod na Linggo.
Dito natanong ni Tulfo kung bakit sa isang linggo pa umano isasagawa ang polygraph test.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kaya naman iminungkahi na niyang dalhin na lamang mismo sa Maynila si Leobert.
"Ang sa akin lang, baka pwedeng dalawa. Isang independent at isang NBI. Then, bakit hindi nalang natin dalhin dito si Leobert para A, ipresinta sa NBI 'di na kailangan pa ng bumiyahe. Mas pabor sa NBI 'yun, samahan natin sa main office. And then B, samahan na rin natin sa Truth Verifier para dalawa ang gagawa. Mas maganda dalawa," ayon kay Tulfo.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Raffy Tulfo in Action:
Noong Agosto 5, gumulantang sa publiko ang pagkawala ng 22-anyos na dalagang si Jovelyn Galleno. Sa salaysay ng kapatid nito, 6:30 ng gabi nang araw na iyon, nag-out si Jovelyn na kinumpirma ng kanyang boss sa mall kung saan siya nagtatrabaho.
Nakapag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid subalit makalipas ang ilang oras, hindi pa rin ito dumarating sa kanilang bahay. Sa tulong ng ilang kuha niya sa CCTV, nakumpirma nila ang ilan sa mga mga pinatunguhan ni Jovelyn maging ang pagsakay nito sa multicab.
Mahigit tatlong linggo na ang nakalipas, natagpuan ang mga sinasabing buto ni Jovelyn sa lugar na nahalughog na umano sa mga unang oras at araw pa lamang nang siya ay mawala.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh