Leobert Dasmariñas, nagmakaawang tulungan siya dahil sinasaktan umano siya

Leobert Dasmariñas, nagmakaawang tulungan siya dahil sinasaktan umano siya

- Binahagi ng kapatid ni Jovelyn Galleno ang isang video kung saan nakausap ng kanilang pamilya ang suspek na si Leobert Dasmariñas

- Umiiyak ito na nakikiusap na tulungan siya dahil aniya ay mamatay siya at sinabi niyang wala umano siyang alam sa nangyari

- Naroroon na umano ang mga kalansay noong dinala siya doon at ang tinutukoy niya ay ang kalansay na umano ay kay Jovelyn

- Hinihintay pa rin ng pamilya Galleno ang resulta ng DNA test na ginawa ng National Bureau of Investigation

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa isang video na binigay ng pamilya ni Jovelyn Galleno sa Raffy Tulfo in Action, makikita ang suspek na si Leobert Dasmariñas habang napapaligiran ng kaanak nila. Umiiyak ito na nagmamakaawa na tulungan umano siya dahil aniya ay mamatay siya.

Leobert Dasmariñas, nagmakaawang tulungan siya dahil sinasaktan umano siya
Leobert Dasmariñas, nagmakaawang tulungan siya dahil sinasaktan umano siya (Radyo Bandera Philippines)
Source: Facebook

Ayon sa kwento ni Jocelyn Galleno, nanginginig umano sa takot ang kanyang pinsan. Aniya, nakakita din sila ng mga sariwang sugat at pasa na dahil umano sa pananakit sa kanya para aminin ang krimen.

Read also

CIO Richard Ligad, itinanggi ang mga akusasyon laban sa kanya ni Leobert Dasmariñas

Ang 22-anyos na si Jovelyn Galleno ay isang working student na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Gumulantang sa mga tao ang kanyang pagkawala noong August 5, 2022. Ayon sa pahayag ng kanyang pamilya at maging ng kanyang manager, 6:30 p.m. ay nakapag-out na siya sa kanyang trabaho at nakapag-chat pa ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Iginiit ng pinsang buo ni Jovelyn na hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan ngunit naging kasabwat siya sa pagdukot sa dalaga. Ikinuwento niya kung paano nila inabangan si Jovelyn nang bumaba umano ito sa sinakyang multicab. Idinitalye niya ang umano'y ginawa ng kasamahan niya sa kanyang pinsan matapos nila itong dalhin sa lugar kung saan ito pinagsamantalahan. Matatandaang si Leobert Dasmariñas ang nagturo sa PNP kung saang lugar nila inabandona ang bangkay ni Jovelyn.

Nang sumunod na araw ay umamin ang pinsang buo ni Jovelyn kaugnay sa panghahalay sa dalaga. Matatandaang sa kanyang naunang sinabi, lookout lamang umano siya at hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan. Gayunpaman sa isang bagong panayam na inilabas ng Bandera News TV Philippines, nag-iba ito ng pahayag. Aniya, pagkatapos halayin ng pinsan si Jovert Valdestamon ay siya ang sumunod ngunit aniya ay hindi na gumagalaw ang dalaga.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate