Doc Willie Ong, naikwentong sumailalim noon sa hosting workshop ni Boy Abunda
- Naikwento ni Doc Willie Ong na minsan siyang sumailalim sa hosting workshop ni Boy Abunda
- Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang 'Kuya Boy' na siyang humasa ng kanyang kakayahan ngayon sa pag-host tulad ng kanyang YouTube channel
- Matatandaang isa pa si Doc Willie sa mga unang sumabak sa pagkakaroon ng sariling YouTube channel
- Sa ngayon, mayroon na siyang 7.71 million YouTube subcribers at mayroon naman siyabng 16 million followers sa Facebook
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, naikwento ni Doc Willie Ong na minsan na siyang sumailalim sa acting workshop sa pangunguna ng "King of Talk" na si Boy Abunda.
Nalaman ng KAMI malaki umano ang pasasalamat ni Doc Willie sa kanyang 'Kuya Boy' dahil sa paghahasa umano nito sa kanya na maging isang mahusay na host.
Bukod kasi sa pagiging eksperto sa ilang larangang medikal, inaming inaral rin niya ang pagiging isang host upang mas marami pa siyang taong matulungan.
"Nag-cardiologist na ako, nag-internist na ako, nag-public health na ako, kailangan aralin ko itong field. So sino bang magaling? Si Kuya Boy nagtuturo siya doon 'di ba? Sa workshop, mga three months 'yun," pagbabalik tanaw ni DOc Willie.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"Sabi ko sa kanya, Tito Boy takot akong mag-TV. 'Di ba sa bible, bawal ipakita ang tulong mo laging ganoon. Sabi ni Kuya Boy, kung gusto mong tumulong sa mas maraming tao, dapat kilala ka. So ito 'yung path," dagdag pa niya.
Kaya naman, mula sa natutunan niya sa hosting, pinasok niya ang pagiging isang YouTuber taong 2007.
Ito ang naging daan niya sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman sa mga taong nangangailangan ng medikal na atensyon subalit minsa'y walang sapat na pera upang makapagkonsulta sa doktor.
Narito ang kabuuan ng panayam kay Doc Willie Ong mula sa Toni Gonzaga Studio YouTube channel:
Si Doc Willie Ong ay isang kilalang doktor at cardiologist. Siya ay tumakbo sa Senado noong nakaraang Halalan 2019. Subalit, hindi siya pinalad.
Sa Eleksyon 2022, muli siyang sumubok na sumabak sa pulitika kung saan siya ang naging running mate ng presidential candidate na si Isko Moreno. Si Doc Willie ay muling tumakbo sa posisyon naman bilang bise pesidente kung saan ilan sa kanyang mga nakatunggali ay sina Senator Kiko Pangilinan at ang nahalal na ikalawang Pangulo na si VP Sara Duterte.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagtulong sa kapwa na nangangailangan ng medikal na atensyon at gaya ng kanyang nasabi, hindi siya umano nagpapabayaaad.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh