Seth Fedelin, binilhan ng farm ang ama; "Ang spoiled naman sa akin si Papa"

Seth Fedelin, binilhan ng farm ang ama; "Ang spoiled naman sa akin si Papa"

- Naikwento ni Seth Fedelin na nabilhan na pala niya ng farm ang kanyang ama

- Labis daw itong masaya sa kanyang regalo at halos linggo-linggo silang naroon

- Doon umano proud si Seth sa kanyang mga magulang na talagang praktikal

- Kahit ngayong gumiginhawa na talaga ang buhay nila kumpara umano dati, hindi pa rin daw maluho ang mga ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Seth Fedelin ang tungkol sa farm na nabili niya umano sa kanyang ama.

Seth Fedelin, binilhan ng farm ang ama; "Ang spoiled naman sa akin si Papa"
Seth Fedelin (@imsethfedelin)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa ito sa regalong labis na nakapagpasaya sa kanyang tatay kaya naman linggo-linggo umano silang naroon.

"Doon binilhan ko siya ng pinagkakaabalahan niya ngayon.Ta's 'yun every Sunday nandun kami. 'Yun kumbaga yung regalo ko kay Papa," kwento ni Seth.

"Simple lang yung farm namin. Nagpatayo si Papa ng kubo, may dalawa na kaming kubo... 'yun lang simple lang. 'Yung ang binigay ko kay Papa na nakapagpapasaya sa kanya," dagdag pa niya.

Read also

Lalaking kilala sa paghingi ng Php5 sa kanilang lugar, nag-donate ng 80 boxes ng Crayola

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon pa kay Seth, labis siyang proud sa kanyang mga magulang na hindi pa rin maluho at patuloy ang pangingibabaw sa pagiging praktikal.

Naikwento niya ang minsang pagpapaalam ng ina na bibili raw ito ng bag. Pinayagan naman ito ni Seth sa pag-aakalang mamahaling bag ang bibilhin nito.

"Alam mo ang binili pag-uwi ng bahay? Sa tiangge, 600 pesos. Sabi ko talaga Ma bakit ka bumili. E wala, maganda naman 'yung design niya e. 'Dun ako pinaka-proud. Na 'yung mga magulang ko, ito. 'Yun 'yung maganda sa ugali ng tao, which is praktikal. 'Yun ang kailangan natin ngayon," paliwanag ni Seth.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Seth Fedelin ay isang aktor sa Pilipinas na produkto ng reality show na Pinoy Big Brother. Mas nakilala siya nang maging bahagi ng afternoon serye na 'Kadenang Ginto' kung saan kasama niya sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri. Binansagan silang 'Gold Squad.'

Read also

Doc Willie Ong, naikwentong sumailalim noon sa hosting workshop ni Boy Abunda

Samantala, pinakaaabangan naman linggo-linggo ang mga itinatampok ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz inspires kung saan nakakapanayam niya ang iba't ibang mga kilalang personalidad. Gayundin ang kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update kung saan naman mapapanood ang mga latest chika tungkol sa mga artista sa bansa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel