Doc Willie Ong, ilang taon nang 'full charity' ang serbisyo sa kanyang mga pasyente

Doc Willie Ong, ilang taon nang 'full charity' ang serbisyo sa kanyang mga pasyente

- Naibahagi ni Doc Willie Ong sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga ang hindi pagsingil sa kanyang pagbibigay serbisyo

- Taong 2006 pa umano niya ito ginagawa matapos ang unang style niya dati na mala-Robinhood

-Naikwento rin niyang isa siya sa mga unang sumabak sa pagiging isang Youtuber noong 2007 para lamang mas marami siyang matulungan na nangangailangan ng medikal na atensyon

- Adbokasiya na talaga ang tumulong lalo na't hirap umano ang mga kababayan niyang Pilipino na makatanggap ng libreng pagpapagamot

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Matagal nang panahon na 'full charity' ang pagbibigay serbisyo ng doktor na si Willie Ong.

Doc Willie Ong, ilang taon nang 'full charity' ang pagtingin sa kanyang mga pasyente
Doc Willie Ong kasama ang kanyang may bahay na si Doc Lisa (Doc Willie Ong)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na asa panayam sa kanya ni Tonie Gonzaga, naikwento ni Doc Willie na mula 2006 hanggang ngayon, hindi na siya naniningil para sa kanynag serbisyo.

"First five years, ginawa kong 'Robinhood' style. 'Yung sinisingil ko sa mayaman, binibigay ko sa mahirap. Pero nakita ko hindi nagwo-work. Naiinis lang 'yung mga pasyente 'pag sinisingil mo. Hindi magtitiwala, hindi rin sila happy," kwento ni Doc Willie.

Read also

Seth Fedelin, binilhan ng farm ang ama; "Ang spoiled naman sa akin si Papa"

"So after five years, around 2006 ginawa ko nang full charity. Hindi na ako sumisingil until now," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Taong 2007 naman sinimulan na rin niya ang paggawa ng Youtube videos patungkol naman sa kalusugan.

Masasabing isa siya sa mga naunang sumabak sa YouTube para lamang mas dumami pa ang mga taong matututo at matutulungan niya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang kaalaman.

"Ako ang goal ko lang ay makatulong sa mas maraming tao. Hindi ako nae-excite sa may pwesto ka, Anong nakaka-excite dun, trabaho 'yun e," ayon pa kay Doc Willie.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Toni Gonzaga Studio YouTube channel:

Si Doc Willie Ong ay isang kilalang doktor at cardiologist. Siya ay tumakbo sa Senado noong nakaraang Halalan 2019. Subalit, hindi siya pinalad.

Read also

Cristy Fermin, todo puri kay Alden Richards sa pagpapahalaga nito sa pamilya

Sa Eleksyon 2022, muli siyang sumubok na sumabak sa pulitika kung saan siya ang naging running mate ng presidential candidate na si Isko Moreno. Si Doc Williw ay muling tumakbo sa posisyon naman bilang bise pesidente kung saan ilan sa kanyang mga nakatunggali ay sina Senator Kiko Pangilinan at ang nahalal na ikalawang Pangulo na si VP Sara Duterte.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica