Doc Willie Ong, nagpositibo sa COVID-19; nagbigay ng payo base sa kanyang nararanasan
- Ibinahagi ni Doc Willie Ong na siya rin mismo ay tinamaan ng COVID-19
- Aniya, Day 2 na raw siya matapos na makumpirmang nagpositibo nga siya sa virus
- Gayunpaman, nagawa pa rin niyang magbigay ng tips base sa kanyang nararamdaman
- Aniya, Omicron ang variant na tumama sa kanya base na rin sa mga nararanasan niyang mga sintomas
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nagpositibo rin sa COVID-19 ang sikat na social media doctor at ang vice presidential aspirant na si Doc Willie Ong.
Sa kanyang Facebook live, ibinahagi niya ang ilan sa kanyang nararamdaman gayung Day 2 na siya mula nang makumpirma niyang may COVID-19 nga siya.
"Maingat naman talaga ako e, lagi akong naka-N95 'pag lumalabas... Pero matindi talaga itong omicron, matindi siya," panimula ni Doc Willie.
"Hindi "MILD" ang Omicron. Mas Matindi ito sa Flu," paliwanag niya gayung mas matindi ang kanyang nararamdaman kumpara sa pangkaraniwang trangkaso.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dagdag pa ni Doc Willie, Omicron variant ang tumama sa kanya at hindi delta. Mayroon pa siyang panlasa at ang sintomas ng omicron na labis na pagpapawis at pagiging iritable at mainitin ng ulo.
Dahil dito, nararapat ding pangalagaan ang mental state habang nilalabanan ang COVID-19.
Ibinahagi rin niya ang ilan sa mga gamot na kanyang iniinom kasama na rito ang paracetamol para umano sa kanyang lagnat.
Nabanggit din niya ang halaga ng pagkakaroon ng booster upang maiwasan lalo ang posibleng paglala ng kalagayan lalo na kung Delta variant pa ang tatama sa isang tao.
Narito ang kabuuan ng kanyang mga tips lalo na sa mga tulad niyang nagpositibo sa COVID-19:
Si Doc Willie Ong ay isang kilalang doktor at cardiologist. Siya ay tumakbo sa Senado noong nakaraang Halalan 2019. Subalit, hindi siya pinalad.
Noong Setyembre 21, 2021, inanunsyo ni Mayor Isko Moreno ang kanyang pagkandidato bilang Pangulo ng Pilipinas.
Kasabay nito ang pagkumpirma niya na si Doc Willie Ong ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente ng bansa.
Naniniwala umano si Mayor Isko na malaki ang maitutulong ni Doc Willie sa bansa sa paglaban natin sa COVID-19 kung papalarin itong manalo bilang susunod na bise presidente ng Pilipinas.
Source: KAMI.com.gh