Mayor Isko, sinuspinde ang klase sa buong Maynila mula Enero 14 hanggang 21

Mayor Isko, sinuspinde ang klase sa buong Maynila mula Enero 14 hanggang 21

- Sinuspinde ni Mayor Isko Moreno ang klase sa buong Maynila, pampubliko at pribadong paaralan man mula Enero 14 hanggang Enero 21, 2022

- Ito ay bahagi ng 'academic ease' upang mabigyan ng oras na makapagpahinga ang mga guro at mag-aaral gayundin ang mga magulang nito

- Lumalabas na marami umano sa mga mag-aaral maging sa mga kaguruan ang nagkakaroon na ng sakit kabilang na ang mga tinatamaan na rin ng COVID-19

- Tinawag niya itong 'Health Break in the city of Manila' upang mabigyang halaga ang kalusugan ng mga Manilenyo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inanunsyo na ni Mayor Isko Moreno ng Maynila ang suspensyon ng klase sa pampubliko at pribadong paaralan mula Enero 14 hanggang Enero 21, 2022.

Nalaman ng KAMI na epektibo ito sa face to face classes man o online classes.

Read also

Apo, sinikap makaipon ng Php199 para maisamang kumain ang lolo ng Samgyeopsal

Mayor Isko, sinuspinde ang klase sa buong Maynila mula Enero 14 hanggang 21
Mayor Isko Moreno (Photo from Isko Moreno Domagoso)
Source: Facebook

Ayon sa alkalde, ito ay upang mabigyan ng oras na makapagpahinga ang mga guro at mag-aaral na nagkakaroon ng sakit at ang iba'y tinatamaan na rin ng COVID-19.

Alam daw niya na ang ibang mga guro ay sinisikap pa rin na magturo sa kabila ng pagkakasakit o pagkakaroon ng virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makatutulong din ang tinagurian niyang 'Health Break' na ito sa mga magulang na nag-aalala hindi lamang sa pagkakasakit ng mga bata kundi ang pagliban nito sa kanilang online classes na maaring maapekto sa kanilang pag-aaral.

"Wala pong pasok, whether online, or physical classes. all levels,"
"Mabawasan ang anxiety level ng teacher at makapagpahinga 'yung mga teacher na I know some of them, most of them are doing online despite their infection 'e kawawa naman,"
"At yung mga magulang, mabawasan 'yung anxiety level nila na umaabsent 'yung kanilang anak sa online class kasi infected din 'yung kanilang anak sa COVID-19,"

Read also

Ina ng magkapatid na Maguad, may update sa isa pang suspek: "The other is a sacristan"

"Now the City of Manila is declaring no classes, all levels, private and public schools. This will be called 'Health break in the City of Manila."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Isko Moreno Domagoso FB page na naibahagi rin ng Philippine Star:

Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.

Ginanap ang pag-anunsyo ni Mayor Isko ang kanyang pagkandidato bilang pangulo ng Pilipinas sa Baseco compound sa Tondo, Maynila noong Setyembre 22, 2021.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica