Ina ni Jovelyn Galleno, malakas umano ang kutob na buhay pa ang kanyang anak

Ina ni Jovelyn Galleno, malakas umano ang kutob na buhay pa ang kanyang anak

- Hindi napigilan ng ina ni Jovelyn Galleno na maging emosyonal habang nagbibigay ng mensahe para sa anak

- Malakas umano ang kutob niyang buhay pa ang anak niya at ay may humahawak lang sa kanyang anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa video na binahagi ng 103.1 Brigada News FM - Palawan sinabi niya sa mensahe niya sa anak ay na huwag mawalan ng pag-asa at manalangin

- Aniya, isa lang malaking pagsubok para sa kanilang pamilya ang pangyayari at aniya ay malalampasan din nila iyon sa tulong ng mga taong nanalangin para sa ligtas na pagbabalik ng dalaga

Emosyonal si Jelyn Galleno, ina ni Jovelyn Galleno nang magbigay ito ng mensahe para sa anak. Sa isang panayam na binahagi ng 103.1 Brigada News FM - Palawan, sinubukan niyang palakasin ang loob ng anak at sinabihang huwag mawalan ng pag-asa at manalangin.

Read also

Pinsang buo ni Jovelyn Galleno, umamin kaugnay sa panghahalay

Ina ni Jovelyn Galleno, malakas umano ang kutob na buhay pa ang kanyang anak
Ina ni Jovelyn Galleno, malakas umano ang kutob na buhay pa ang kanyang anak (Radyo Bandera Philippines)
Source: Facebook

Aniya, marami ang nagdadasal para sa kanilang pamilya at naniniwala siyang malalampasan din nila ang pinagdadaanang pagsubok. Hindi umano sila nagpapabaya sa paghahanap kay Jovelyn.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang 22-anyos na si Jovelyn Galleno ay isang working student na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Gumulantang sa mga tao ang kanyang pagkawala noong August 5, 2022. Ayon sa pahayag ng kanyang pamilya at maging ng kanyang manager, 6:30 p.m. ay nakapag-out na siya sa kanyang trabaho at nakapag-chat pa ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.

Iginiit ng pinsang buo ni Jovelyn na hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan ngunit naging kasabwat siya sa pagdukot sa dalaga. Ikinuwento niya kung paano nila inabangan si Jovelyn nang bumaba umano ito sa sinakyang multicab. Idinitalye niya ang umano'y ginawa ng kasamahan niya sa kanyang pinsan matapos nila itong dalhin sa lugar kung saan ito pinagsamantalahan. Matatandaang si Leobert Dasmariñas ang nagturo sa PNP kung saang lugar nila inabandona ang bangkay ni Jovelyn.

Nang sumunod na araw ay umamin ang pinsang buo ni Jovelyn kaugnay sa panghahalay sa dalaga. Matatandaang sa kanyang naunang sinabi, lookout lamang umano siya at hindi niya ginalaw ang kanyang pinsan. Gayunpaman sa isang bagong panayam na inilabas ng Bandera News TV Philippines, nag-iba ito ng pahayag. Aniya, pagkatapos halayin ng pinsang si Jovert Valdestamon ay siya ang sumunod ngunit aniya ay hindi na gumagalaw ang dalaga.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate