Lolo na naglalako ng mga gamit sa bahay, naluha sa saya sa natanggap na biyaya

Lolo na naglalako ng mga gamit sa bahay, naluha sa saya sa natanggap na biyaya

- Umantig sa puso ng mga netizens ang masipag na lolo na nakatanggap ng biyaya

- Nangamba pa ang lolo na hindi masuklian ang customer na bumili sa kanya ng tabo na ang ibinabayad ay Pho1,000

- Hindi niya alam, ito ang surpresa sa kanya nito at dinagdagan pa muli ng isa pang libong piso

- Mapapansing naging emosyonal ang lolo nang magpaalam sa mabait na customer niya noong araw

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umantig sa puso ng maraming netizens ang video ng isang lolo na matiyaga pa rin sa paglalako ng mga kagamitan sa bahay.

Lolo na naglalako ng mga gamit sa bahay, naluha sa saya sa natanggap na biyaya
Lolo vendor (@malakimata27)
Source: Facebook

Mapapansin sa TikTok video na ibinahagi ni @malakimata27 na tila nangamba pa ang lolo sa ibinabayad sa kanyang Php1,000 dahil wala raw siyang panukli dito.

Ngunit nang sabihin ng customer na bigay na niya ang buong halaga sa lolo, mapapansing agad na naging emosyonal ang vendor na tila hindi makapaniwala sa biyayang natanggap.

Read also

Herlene Budol, inspirasyon pa rin ang namayapang lola; "Nandiyan lang siya, 'di siya nawala"

Halos maluha ito sa saya nang dagdagan pa muli ng customer ang tulong na bigay niya sa masipag na lolo.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Taos-puso itong nagpasalamat sa mabait na customer at mapapansing tila naibsan ang pag-aalala niya sa maari lamang niyang kitain sa araw na iyon.

Samantala maging ang mga netizens ay naantig sa video kaya naman umabot na ito sa 1.9 million heart reaction.

Narito ang ilan pa sa kanilang naging komento:

"Be a blessing to someone every day. Hindi mo alam, kahit ano pa mang halaga na iabot mo ay malaking bagay na para sa kanila"
"Yung mata ni tatay habang binibigyan siya ng biyaya. Sana dumami pa po ang tumulong sa kanya"
"Dahil sa nagsisikap pa rin siya sa kabila ng kanyang edad, may mga anghel sa lupa na nagbibigay sa kanya ng surpresa"

Read also

Vice Ganda, hindi nagpatinag sa pang-iintriga sa kanila ni Ion Perez

"Hindi ko alam kung saan makikita si Lolo, pero sana mas marami pa ang magpaabot ng tulong sa kanya lalo na at pinagtatrabahuhan naman niya ito, hindi lang basta hingi"
"Nakakabilib ang dalawang tao sa video. Si lolo na namumuhay ng patas at hindi nabuhay sa limos at ang bumili sa kanya na naging daan para gumaan ang loob ni Lolo at hindi niya kailangang isipin ang kikitain niya sa araw na iyon"

Tunay na nakakaantig ng puso ang mga tulad ng lolo na ito na sa kadahilanang ayaw makaperwisyo o makaabala sa iba, sinisikap pa rin nilang magbanat ng buto sa kabila ng kanilang edad.

Ang masaklap, may ilan naman sa kanila na dala ng katandaan ay nagagawang lamangan ng ilang walang puso na nakapanloloko sa tulad nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica