Herlene Budol, inspirasyon pa rin ang namayapang lola; "Nandiyan lang siya, 'di siya nawala"

Herlene Budol, inspirasyon pa rin ang namayapang lola; "Nandiyan lang siya, 'di siya nawala"

- Aminado si Herlene Nicole Budol na nanghihinayang siya sa biglaang pagpanaw ng kanyang lola ngayong taon

- Hindi raw kasi nito nasaksihan ang mga mahahalagang nangyari sa kanya tulad ng pagtatapos ng kolehiyo at hirangin bilang Binibining Pilipinas 2022 1st runner-up

- Aniya, kinakausap pa rin niya ito halos araw-araw lalo na kung may bumabagabag sa kanyang isip

- Habang kinakapanayam pa siya ni Karen Davila, itinuro pa ni Herlene ang paru-paro sa kanilang kisame at tila iyon daw umano ang simbolo ng kanyang lola

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakaramdam umano ng pagsisisi si Herlene Nicole Budol sa pagpanaw ng kanyang lola ngayong taon.

Herlene Budol, inspirasyon pa rin ang namayapang lola; "Nandiyan lang siya, 'di siya nawala"
Si Herlene Budol kasama ang kanyang lolo at lola (@herlene_budol)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay dahil sa hindi na natunghayan ng kanyang lola Bireng ang mga mahahalagang pangyayari sa kanya tulad ng kanyang graduation at nang hirangin siya bilang 1st runner-up ng Binibining Pilipinas 2022.

Read also

Vice Ganda, hindi nagpatinag sa pang-iintriga sa kanila ni Ion Perez

"Hindi ko po inexpect na bakit ngayong taon pa," bungad ni Herlene nang mapag-usapan nila ni Karen Davila ang kanyang lola Bireng.

"Kung kailan nag-uumpisa po kaming umasenso, makaranas ng sarap ng buhay. Hindi po niya naabutan 'to. Hindi po niya naabutan na grumadweyt ako. 'Di po niya ako nakitang rumampa sa Binibini. Ayun po yung isa sa mga pinagsisisihan ko na hindi ko nabigay or hindi ko naparanas sa lola ko," panghihinayang ni Herlene.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Parang sinisi ko po sarili ko, bagal ko," dagdag pa niya.

Nakwento rin ni Herlene na bagaman at namayapa na ang pinakamamahal na lola, kinakausap pa rin umano niya ito lalo na sa kung mayroong bumabagabag sa kanya.

"Ayun o, paru-paro... Nandiyan siya," ang nasabi ni Herlene habang kinakapanayam pa siya ni Karen.

Read also

Herlene Budol, may nilinaw sa nasabi noon ni Miss Manila sa kanya; "'di ko alam na scripted"

"Every day, every night... lahat ng oras, kausap ko siya. Kapag may moment na nagla-lag yung utak ko, nanay ko lang kausap ko 'nun," pahayag ni Herlene.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Herlene mula sa Karen Davila YouTube channel:

Si Herlene Nicole Budol na nakilala bilang si "Hipon girl" ay isang komedyante, aktres na nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin".

Nakilala si Hipon nang sumali siya sa "Willie of Fortune". Bagaman at hindi siya nanalo, hinahanap siya ng mga tagasubaybay ng programa kaya naman pinabalik siya ni Willie Revillame para maging isa sa kanyang mga co-host.

Aminado si Herlene na nabago ang kanyang buhay nang maging manager si Wilbert Tolentino.

Malaki ang naitulong nito sa paghahanda ni Herlene sa pagsali Binibining Pilipinas 2022.

Hindi naman sila nabigo at nagbunga ang kanilang mga pagsasakripisyo nang mahakot ni Herlene ang karamihan ng special awards at ang pagiging 1st runner-up.

Read also

Herlene Nicole Budol, isinama si Karen Davila sa house tour ng bago niyang bahay

Samantala, sa pinakabagong interview sa kanya ni Karen Davila, ipinasilip din ni "Hipon Girl" ang loob ng bago niyang tahanan dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel