Pamilya ni Jovelyn Galleno, emosyonal na naglabas ng saloobin sa pagkawala ng dalaga

Pamilya ni Jovelyn Galleno, emosyonal na naglabas ng saloobin sa pagkawala ng dalaga

- Emosyonal ang pamilya ng 22-anyos na si Jovelyn Galleno nang makapanayam sila ng Kapuso Mo, Jessica Soho

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Ang mga kuha ng CCTV ang inasahan nilang makakatulong sa problema nila para mahanap si Jovelyn

- Agad nilang pina-blotter sa baranggay ang pagkawala ng dalaga hanggang sa dumulog na sila sa CIDG

- Wala umano silang makuhang footage ng pag-uwi ni Jovelyn at ang tanging nakuha umano nila ay ang video ng pagpasok ng dalaga

Emosyonal ang ina at mga kapatid ng 22-anyos na si Jovelyn Galleno nang makausap sila ng Kapuso Mo, Jessica Soho. Matapos ang mahigit isang linggo ay hindi pa rin natatagpuan ang dalaga.

Pamilya ni Jovelyn Galleno, emosyonal na humingi ng tulong sa publiko
Pamilya ni Jovelyn Galleno, emosyonal na humingi ng tulong sa publiko (Radyo Bandera Philippines)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Antonette Gail, sinugod sa ospital dahil sa pagkakaroon ng bartholin cyst

Ayon sa pamilya niya, lahat ng kanilang kayang gawin ay ginagawa na nila dahil tumatakbo ang oras. Agad nilang pina-blotter sa baranggay ang pagkawala ng dalaga hanggang sa dumulog na sila sa CIDG.

Sa mga nakuha nilang mga bagong CCTV footage, makikita siyang naglalakad sa loob ng mall ngunit hindi umano nila makita sa mga CCTV na mayroong nakuhanang nasa labas na siya sa mall o kung sumakay daw ba siya ng sasakyan.

Si Jovelyn Galleno ay ang 22-anyos na nagtatrabaho sa isang mall sa Palawan. Nawala siya noong ika-5 ng Agosto kamakailan lang. Ayon sa kanyang kapatid, sinabi ng kanyang employer na 6:30 ng hapon ay nag-out na ito sa kanyang trabaho. Nag-chat pa umano ito sa kanyang kapatid ngunit hindi na ito nakauwi.

Sa pagpasok ng pandemya, lalong naging aktibo ang mga Pinoy sa social media. Bukod sa mga lockdown at quarantine restrictions, lalong naging aktibo sa internet at social media ang mga tao. Kaya naman, mas mabilis na rin ang paglaganap ng mga balita. Kadalasan ay nagiging viral ang mga balitang pumupukaw sa interes ng karamihan.

Read also

Amo ni Jovelyn Galleno, binahagi ang kwento noong araw na nawala ang dalaga

Matatandaang ilan sa mga pinakatinutukang kaso ng pagpaslang ay ang pagbaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-ina. Kinalaunan ay nahatulan ito at nakulong hanggang sa kamakailan ay lumabas ang balitang pumanaw na ito.

Pumukaw din sa interes ng publiko ang sinapit ng isang Grab driver na si Jang Lucero. Naging mailap ang pagkuha ng hustisya para kay Lucero matapos ang mahigit isang taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate