Php16,000 na singil sa pagtirintas ng buhok ng turista sa Boracay, 'di raw overpriced
- Viral ang larawan ng isang turistang Php16,000 ang halaga ng pagpapatirintas ng kanyang buhok sa Boracay
- Wala raw umanong overpricing na nangyari sa naturang singil na sa tingin ng marami ay labis-labis na halaga
- Maging ang kanilang alkalde ay nagsalita na sa nasabing kontrobersiya at base umano sa imbaestigasyon, sapat lang umano ang singil base sa taripa
- Nagkasundo din umano ang magulang ng nagpagawa sa grupo ng nagtirintas kanyang anak
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naging usap-usapan kamakailan ang Php16,000 na singil sa pagtitirintas ng buhok ng isang turista sa Boracay.
Nalaman ng KAMI na isang hotel owner ang nag-post ng larawan ng batang nagpatirintas upang malaman kung sapat lamang ba talaga ang nasabing halaga sa ginawang braid sa bisita.
Sa ulat ng GMA News, nakausap nila ang isang miyembro ng Malay Boracay Vendors Hair Braider Association o Maboven at sinabing walang overpricing na nangyari.
"Nakadepende po sa bisita yan dahil ang bisita po or guest may choice po yan kung afford niya itong prices or hindi," pahayag ni Jomar Saan ng Maboven.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nabanggit din nila ang sinusunod umanong taripa kung saan makikita ang presyo ng kanilang singil sa paggawa ng braid.
Mula Php200 hanggang Php1,000 ang halaga kada linya at may additional fee pa umano kada disenyo.
Ipinaliliwanag din sa nagpapatirintas ang gagawin at halaga ng kabuuang babayaran bago ito simulan.
Sinasabing sumang-ayon ang ina ng nagpagawa at hindi naman umano nagreklamo sa kanilang binayaran.
Maging ang local government unit ng lugar ay inimbestigahan ang kontrobersyal na post. Ayon mismo sa alkalde ng Aklan na si Mayor Frolibar Bautista, walang labis na singil na ginawa lalo na at ipinaulit pa pala umano ang naunang pagpapatirintas at tatlo katao ang gumawa nito.
Narito ang kabuuang ulat mula sa 24 Oras:
Samantala, kamakailan ay nag-viral din ang binayaran ng isang grupo ng mga turista sa Vǐrgin Island sa Panglao, Bohol na umabot umano sa halagang Php26,000.
Ipinakita ng vendor na si Fidel Clenista ang dapat na hitsura o dami ng mga pagkaing nagkakahalaga ng Php26,000 na umano'y inireklamo ng mga turista.
Sinabing umanong nag-order ng mamahaling seafoods ang grupo. Maging ang banana cue na sinabing 'ginto ang presyo' ay naipinaliwanag din ni Fidel.
Nasa Php7,000 na raw agad ang halaga ng isda pa lang na na-order ng mga turista. Ang scallops at oysters na tig-36 ang mga napaluto nila, umabot ng Php5,000 ang halaga. Gayundin ang sea urchin na dahil sa mahirap at hindi basta makuha, may kamahalan din.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh