Vendor sa viral na Php26,000 na paluto sa Bohol, dinipensahan ang singil

Vendor sa viral na Php26,000 na paluto sa Bohol, dinipensahan ang singil

- Nagsalita na ang umano'y vendor ng mga seafood at iba pang pagkain na umabot sa Php26,000 sa Vǐrgin Island

- Dinipensahan nito ang singil gayung may karamihan naman umano ang nakain at naipaluto ng grupo

- Mahal din daw talaga ang halaga ng isda at iba pang seafood na pinaluto ng mga ito

- Sinasabing hindi na rin umano kumpleto ang naibahaging larawan ng mga pagkain na nakonsumo ng grupo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dumepensa na ang nagpakilalang vendor sa viral post tungkol umano sa Php26,000 na halaga ng mga pagkain pinaluto sa Vǐrgin Island sa Panglao, Bohol.

Vendor sa viral na Php26,000 na paluto sa Bohol, dinipensahan ang singil
Photo from Fidel Clenista
Source: Facebook

Nalamam ng KAMI na ipinakita ng vendor na si Fidel Clenista ang dapat na hitsura o dami ng mga pagkaing nagkakahalaga ng Php26,000 na umano'y inireklamo ng mga turista.

Ayon sa panayam ng Frontline Pilipinas kay Fidel, sinabing marami raw ang na-order na mga mamahaling seafoods ng grupo. Maging ang banana cue na sinabing ginto ang presyo, ipinaliwanag din ni Fidel.

Read also

Cristy Fermin, sinabing selosa umano si Angeline Quinto

Nasa Php7,000 na raw agad ang halaga ng isda pa lang na na-order ng mga ito. Ang scallops at oysters na tig-36 ang paluto nila, umabot ng Php5,000. Gayundin ang sea urchin na dahil sa mahirap makuha, may kamahalan din.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Marami 'yung habang naliligo sila, kuha ng kuha o banana cue... kain ng kain," ani Fidel.

Samantala, umamin ang isa pang vendor sa isla na si Lorna Bisiano na iba-iba ang kanilang singil depende sa turista.

"Bisaya na presyo, mayroong tagalog na presyo, mayroong Chinese na presyo at foreigner at Korean na price," aniya.

Samantala, giit naman ng isa sa mga kasama sa nasabing grupo ng turista na nagsiwalat ng 'di umano'y overpricing, may dagdag daw talagang nangyari at nagulat na lamang sila sa dami nang ibigay sa kanila ang listahan ng babayaran nang sila'y papaalis na sa isla.

Read also

Sharon sa iconic 'copycat' scene nila ni Cherie Gil; "that line will never be the same again"

"Hindi lang siya overpricing, dinagdagan pa nila 'yung quantity. By the time na nag-order kami, hindi nila inilista agad. So doon lang sila naglista nung paalis na kami sa island," ayon kay Joeper Calubio, isa sa mga nagbayad ng Php26,000.

Narito ang kabuuan ng ulat mula sa News5:

Gumulantang kamakailan ang viral post tungkol sa umano'y mataas na patong ng presyo ng mga pagkain sa Vǐrgin Island.

Dahil dito, marami umanong mga nagtitinda roon ang naapektuhan dahil inalis na ang kanilang mga stalls doon.

Umiinda naman ang karamihan sa kanila lalo na at ngayon pa lamang halos sila nakakabawi sa ilang taong pabigat ng pandemya sa kanilang pangkabuhayan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica