Pinay fruit picker sa Australia, mahigit Php200,000 ang kinikita kada buwan
- Pumapalo sa mahigit Php200,000 ang kinikita kada buwan ng isang Pinay fruit picker sa Australia
- Nakapangasawa ito ng Australian fruit picker at nang dalhin siya nito sa Australia, sumabak na rin siya sa ganoong klaseng trabaho
-Aminadong hindi madali ang kanyang trabaho na halos maghapong nakatayo
- Subalit dahil sa hanapbuhay niyang ito, nabigyan niya ng kabuhayan ang kanyang pamilya sa Pilipinas at napatayuan na rin niya ito ng bahay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Umaabot sa mahigit Php200,000 ang kinikita ni Mariel Larsen, ang Pinay sa Australia na pawang pamimitas ng prutas ang ikinabubuhay.
Kwento ni Mariel, hindi madali ang pamimitas ng mga prutas tulad ng apple, orange, lemon, cherry at blueberry. Dahil sa maghapong nakatayo, pag-akyat at paglalakad, aminado siyang nakararamdam siya ng pananakit ng katawan. Umaabot pa raw sa punto minsan na halos ayaw na niyang pumasok kinabukasan.
Subalit hindi ito naging hadlang kay Mariel lalo na nang makasanayan na niya itong gawin.
Aniya, dahil sa pamimitas niyang ito ng bulaklak, nabigyan niya ng pangkabuhayan sa pangingisda ang mga kaanak niya sa Pilipinas. Napatayuan na rin niya ang mga ito ng kanilang tahanan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kaya naman susunod na proyekto at pinag-iipunan ni Mariel at asawa niyang si David ay ang pagkakaroon ng sarili nilang bahay.
Sa ngayon kasi, naninirahan sila sa camper van na nadadala rin nila sa kanilang trabaho.
Gayunpaman, proud pa rin si Mariel sa kanyang hanapbuhay lalo na at napatunayan niyang kaya rin ng mga kababaihan ang trabaho ng kalalakihan.
Narito ang kabuuan ng kanyang kwento mula sa Dapat Alam Mo! ng GMA Public Affairs:
Nakatutuwang isipin na marami naman sa ating mga kababayang OFW na maganda ang sinapit ng buhay sa ibang bansa at ang iba naman ay sinusuwerte sa mababait na employer na pamilya na ang turing sa kanila.
Ang ilan, nabibigyan pa ng magandang buhay ng kanilang mga amo na pati ang kanilang pamilya ay binibiyayaan kahit nasa Pilipinas.
Ang iba naman nakapagpapatayo ng sarili nilang negosyo upang sa pagbabalik nila ng Pilipinas ay meron pa rin silang pagkabuhayan.
Kamakailan ay nag-viral din ang kababayan nating si Shirley Alah o mas kilala bilang si Zia Welder na isang welder sa Canada. Marami ang namangha sa diskarte niya sa buhay.
Source: KAMI.com.gh