Viral African na nagtitinda ng mga pagkaing Pinoy sa Dubai, kinagiliwan ng netizens
- Kinagiliwan ng mga netizens ang isang African sa Dubai na naglalako ng mga pagkaing Pinoy
- Kuhang-kuha kasi nito ang istilo ng mga Pinoy sa pagtitinda
- Kapansin-pansin din na marunong itong mag-Tagalog kahit lamang sa pagbibilang at mga pangalan ng putaheng inilalako
- Pinili rin niyang irekomenda sa mga kapwa niya Ghanaians ang sisig kambing gayung mahihilig daw sila sa kambing
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Agaw-eksena online ang nakakatuwang istilo ng paglalako ng isang African vendor sa Dubai.
Nalaman ng KAMI na mga Filipino dish ang kanyang binibenta sa isang food stall sa Philippine Supermarket sa Al Muraqqabat, Deira.
Sa wikang Tagalog ibinibenta ng vendor na nakilalang si Cynthia Clottey na mula sa Ghana ang mga putaheng Pinoy na kahit marami ay talagang memorya niya.
Ilan sa mga lako ng kanilang food stall ay pakbet, menudo, beef steak, chicken curry, sisig, chicken teriyaki, kare-kare at marami pang iba.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nang tanungin naman siya kung anong putahe ang mairerekomenda niya sa mga kapwa niya Ghanaians, sisig kambing ang pinili niya gayung mahihilig sa kambing ang mga kababayan niya.
Maging ang mga netizens ay naaliw din kay Cynthia na parang kababayan narin natin sa husay nito sa paglalako ng pagkaing Pinoy.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Nakakakaliw siya, parang Pinoy talaga kung magtinda"
"Andito ako sa Dubai, minsan pala puntahan ko yang stall lalo na kung gusto kong kumain ng pagkaing Pinoy"
"Ang galing! tamang-tama lang siya diyan sa store 'Mazayah ka dito' ang name e"
"Ang positive din ng aura ni ate. Kung nandiyan ako, mapapabili ako dahil sa kanya"
"In fairness ang dami nilang ulam at alam niya talaga lahat. Pati magsalit ng tagalog marunong na rin siya"
Narito ang kabuuan ng video mula sa Expat Media:
Tulad ni Cynthia, marami ang mga nangingibang-bansa na masaya naman sa kanilang dinatnang hanapbuhay kahit malalayo sa kanilang pamilya.
Maging ang mga kababayan nating OFW ay may mga sinuwerte rin sa kanilang amo o napapasukang trabaho.
Tulad ng kababayan nating si Shirley Alah o mas kilala bilang si ''Zia Welder" na isang welder sa Canada. Marami ang namangha sa diskarte niya sa buhay kahit nasa ibang bansa.
Gayundin ang OFW na si Diana Hirano na pinalad na makauwi sa bansa para isupresa ang kanilang pamilya lalo na ang kanyang ina. Dala kasi ng pandemya ay hindi agad siya basta nakauwi.
Taong 2020 pa nang huling makabisita si Diana sa bansa. Dalawang buwan naman niyang makakasama ang pamilya bago siya bumalik muli sa Tokyo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh