Matteo Guidicelli, nag-post ng picture kasama ang mga co-host sa Tropang Lol

Matteo Guidicelli, nag-post ng picture kasama ang mga co-host sa Tropang Lol

- Nag-post ng picture si Matteo Guidicelli kasunod ng pag-viral ng pag-uusap nila ni Alex Gonzaga sa "Tropang Lol"

- Kaugnay ito sa pagsabi niya kay Alex na tigilan na nila ang kanilang pagbibiruan tungkol sa kanilang mga dating karelasyon

- Aniya, irespeto na lang nila ang mga asawa nila ngunit sa bandang dulo ay bumitaw ng joke si Matteo

- Agad na nag-viral ang ilang pinost sa social media na kuha sa naturang episode ng "Tropang Lol"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Si Matteo Guidicelli mismo ang nag-post ng picture nila kasama ang mga co-host sa Tropang Lol na kinabilangan ni Alex Gonzaga. Ito ay matapos mag-viral ang pagsabi ni Matteo kay Alex na tigilan na nila ang kanilang pagbibiruan tungkol sa kanilang mga dating karelasyon.

Matteo Guidicelli, nag-post ng picture kasama ang mga co-host sa Tropang Lol
Matteo Guidicelli, nag-post ng picture kasama ang mga co-host sa Tropang Lol (@matteog)
Source: Instagram

Sa kanyang post ay hindi diretsahang sinabi ni Matteo na reaksiyon niya ito kaugnay sa nag-viral na video. Gayunpaman, nagbanggit siya tungkol sa pagpapalaganap ng good vibes.

Read also

Vice Ganda, hindi nagpatinag sa pang-iintriga sa kanila ni Ion Perez

Goodnight everyone! Sending out good vibes to all. Keep spreading love guys!

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Matteo Guidicelli ay isang aktor, modelo at triathlete. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang serye at pelikula kagaya ng Saturday Night Chills (2013), Can't Help Falling in Love (2017) at Paglaya sa Tanikala (2012).

Sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Matteo ang kanilang outdoor adventure kasama ang misis na si Sarah Geronimo at ang kanilang mga furbabies. Pumunta sila sa Daraitan sa Tanay, Rizal kung saan sumakay sila sa kabayo at namasyal kasama ang kanilang mga alagang aso. Bilang isa sa mga artistang hindi mahilig magbahagi sa publiko ng kanyang personal na buhay, marami sa mga fans ng mag-asawa ang masaya na makita ang bahagi ng kanilang buhay mag-asawa. Marami sa mga AshMatt fans ang humiling na sana ay mas dalasan ni Matteo na magbahagi ng video nilang mag-asawa.

Sa isang Instagram post, proud na ibinida ni Matteo ang bagong achievement ng kanyang asawang si Sarah. Isa na umano itong ganap na pastry chef matapos niyang mag-aral ng baking and pastry course niya sa Henny Sison Culinary School. Ibinida ni Matteo ang pagiging masigasig ng maybahay kaya "limitless" umano ang mga achievements nito. Matatandaang malimit na pinagmamalaki ni Matteo sa Instagram ang mga luto ng kanyang misis.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel