Suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila, hawak na ng QCPD

Suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila, hawak na ng QCPD

- Hawak na ng Quezon City Police District ang suspek sa shoot-out na naganap ngayong Hulyo 24

- Nakilala ang suspek na isang doktor at may personal na motibo umano sa biktima

- Tatlo ang naiulat na namatay sa pamamaril at dalawa ang sugatan, kabilang na mismo ang suspek

- Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso na naging sanhi ng pagkansela ng graduation ng Ateneo Law School

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Arestado na ng Quezon City Police District ang suspek sa naganap na shoot-out ngayong araw, Hulyo 24 sa Ateneo De Manila University sa Quezon City.

Suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila, hawak na ng QCPD
Ang suspek na isa umanong doktor na si Chao-Tiao Yumol (Chao-Tiao Yumol)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ang salarin ay isa umanong doktor at nakilalang si Chiao Tiao Yumol na mula sa Lamitan Basilan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, umamin umano ang suspek na personal ang motibo ng kanyang pamamaril kay dating Lamitan Mayor Rosita "Rose" Furigay na nasampahan umano siya ng 56 counts ng cyberlibel.

Read also

Vice Ganda, pinakita ang bagong studio ng It's Showtime

Ayon pa sa GMA News, ito umano ang naging dahilan kung bakit hindi mai-practice ng suspek ang kanyang propesyon sa pagiging isang doktor.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Giit din ng suspek, ilang beses umano siyang tinangkang ipa-ambush ng mag-asawang Furigay.

Samantala, bukod sa puntirya nitong si dating Mayor Rose Furigay, nasawi rin ang aide nitong si Victor George Capistrano at isang security guard ng paaralan na hindi pa napangalanan.

Samantala, sugatan naman ang anak ni Furigay na si Hannah Rose. Dadalo sana ang dating alkalde ng Lamitan sa graduation ng anak sa Law School ng naturang unibersidad.

Naantala na rin ang masaya sanang pagtitipon at naglabas na rin ng pahayag ang pamunuan ng unibersidad kaugnay sa nangyari.

Matatandaang gumimbal din sa publiko ang lantarang pamamaril ng dating pulis na si Jonel Nuezca sa kanyang kapitbahay na mag-inang sina Sonia at Frank Gregorio.

Read also

Darna, gumulantang sa publiko nang mamataan sa Robinsons Novaliches

Nakunan ng video ang buong pangyayari at doon kitang-kita kung paanong walang awang binaril ng pulis na si Jonel Nuezca ang mag-ina na kanyang mga kapitbahay.

Isa si Raffy Tulfo sa nagpaabot ng tulong at suporta sa pamilya Gregorio at nangakong tututok sa kaso.

Subalit noong Nobyembre ng 2021, pumanaw si Nuezca sa piitan. Sinasabing cardiac arrest umano ang ikinamatay nito na hindi agad napaniwalaan ng pamilya ng nabiktima nito sa pamamaril.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica