Darna, gumulantang sa publiko nang mamataan sa Robinsons Novaliches

Darna, gumulantang sa publiko nang mamataan sa Robinsons Novaliches

- Agaw eksena si 'Darna' nang mamataan ito sa Robinsons Novaliches, noong Hulyo 23

- Sinasabing isa itong promotional strategy dahil nalalapit nang isa-ere ang pinakaaabangang teleserye

- Hindi pa lamang makumpira kung si Jane De Leon mismo ang 'Darna' na namataan gayung siya ang gaganap na Darna sa serye

- Matatandaang puspusan ang paghahanda niya para sa serye gayung sumailalim pa siya sa Hollywood style ng workshop ng kanyang acting coach na si Rahyan Carlos

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Gumulantang sa publiko si 'Darna' nang mamataan ito sa Robinsons Place sa Novaliches.

Darna, gumulantang sa publiko nang mamataan sa Robinsons Novaliches
Jane De Leon (@imjanedeleon)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nakita umano si "Darna" sa may malaking signage ng pamilihan noong Hulyo 23 ng gabi.

Hindi lamang masiguro kung mismong si Jane De Leon ang Darna na ito gayung siya ang gaganap ng iconic role na ito sa teleseryeng mapapanood simula Agosto 15.

Read also

Rufa Mae Quinto, sinabing first honor siya noon: “Toga lang po ang joke”

Dahil sa promotional strategy na ito, mas lalong nasabik ang mga manonood sa pinakaabangang serye na ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kamakailan lamang ay isiniwalat ng acting coach ni Jane na Hollywood style ang workshop na ibinigay niya sa aktres bilang paghahanda sa kanyang iconic role.

Taong 2016 pa lamang nang mag-workshop si Jane na noo'y kinakitaan na raw ng potensyal sa pag-arte.

At bago nga siya malagak sa lock-in taping para sa serye, nag-one on one acting workshop muna siya kay Coach Carlos.

"Umaabot kami ng almost everyday, in about a week before sila mag-lock in, six to seven hours a day. Sabi ko kay Jane, 'sorry 'nak, hindi tayo aalis dito hangga't hindi ka mahusay'".

Talagang paiyakan umano sila sa workshop hanggang sa mapiga umano ng direktor ang aktres sa paghugot ng emosyon.

Read also

Gina Pareño, nilinaw ang pag-amin sa pagiging LGBT; "I’m all woman! Hello!"

Samantala, narito ang maiksing video nang mamataan umano si 'Darna' na ibiniahagi ng Kapamilya Files:

Si Jane de Leon ay isa sa mga aktres at modelo sa bansa. Dati siyang miyembro ng girl group GirlTrends, na madalas noong mapanood sa It's Showtime. Nabigyang pagkakataon siyang makilala sa pag-arte sa ilang mga patok na teleserye sa ABS-CBN na "Halik," "La Luna Sangre," at maging sa "FPJ's Ang Probinsyano."

At ngayon, mapapanood na rin siya sa kauna-unahang proyekto kung saan siya ang bida, ang "Darna."

Sa mga nag-audition sa role na sana'y para kay Liza Soberano, siya ang napiling ihanay sa mga batikang aktres na gumanap na noon ng Darna.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel