Rufa Mae Quinto, sinabing first honor siya noon: “Toga lang po ang joke”

Rufa Mae Quinto, sinabing first honor siya noon: “Toga lang po ang joke”

- Ayon kay Rufa Mae Quinto, totoong honor student siya noong nag-aaral pa siya

- Binahagi niya sa isang Instagram post ang kumalat na meme kung saan makikita ang kanyang picture na nakasuot ng toga

- Aniya, ang toga lamang ang peke sa naturang meme ngunit nilinaw niyang totoong achiever siya noong high school siya

- Sa katunayan ay sinabi niyang first honor umano siya sa kanyang paaralan na kanya ding pinasalamatan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Ruffa Mae Quinto, totoong achiever siya noong nag-aaral pa siya. Ito ang kanyang reaksiyon sa kumalat na meme kung saan makikitang nakasuot siya ng toga.

Rufa Mae Quinto, sinabing first honor siya noon: “Toga lang po ang joke”
Rufa Mae Quinto, sinabing first honor siya noon: “Toga lang po ang joke” (@rufamaequinto)
Source: Instagram

Aniya, ang toga lamang ang peke sa naturang meme. First honor umano siya noong nag-aaral siya ng high school.

To be honest , itong toga lang po ang joke. Actually I’m an honor student in high school Hinde po joke yun. Totoong First honor po ako sa St.Vincent school. Thanks school for giving me the medal go go gold! Todo na to!

Read also

Yassi Pressman, nagbahagi ng birthday message para sa boyfriend na si Jon Semira

Matatandaang kumalat ang meme kung saan nakalagay na cumlaude umano si Rufa Mae.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Rufa Mae Quinto-Magallanes ay sumikat bilang isang Filipina actress, comedian at TV host. Nakilala siya sa kanyang kakaibang estilo ng pagpapatawa. Pinasok niya ang mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa That's Entertainment noong 1996. Ilan sa sumikat niyang pagganap ay bilang si 'Booba' sa pelikulang Booba noong 2001 at bilang si 'Boobita Rose' sa Masikip sa Dibdib.

Matapos ang kanyang pamamalagi sa Amerika, bumalik kamakailan sa Pilipinas si Rufa Mae. Nauna siyang napasama sa UniTeam rally na talaga namang pinag-usapan. Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, ibinahagi niya sa kanyang social media account ang bagong bahay na kanilang tinitirhan pagbalik nila sa Pinas.

Matapos lumabas ang video ng kanyang pagkanta sa rally para kay Senator Manny Pacquiao, agad na nag-trend sa Twitter si Rufa Mae. Marami ang nawindang na makita siya sa naturang rally dahil bago ito ay naroroon din siya sa UniTeam rally ni Pangulong Bongbong Marcos. Maging si Rufa Mae ay binahagi sa kanyang Instagram story ang screenshot ng top trends sa Twitter kung saan makikita ang kanyang pangalan. Sa nag-viral na video, makikita ang bahagi ng pagkanta ni Rufa Mae ng awiting Firework ni Katy Perry.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel