Yassi Pressman, nagbahagi ng birthday message para sa boyfriend na si Jon Semira

Yassi Pressman, nagbahagi ng birthday message para sa boyfriend na si Jon Semira

- Nagbahagi si Yassi Pressman ng kanyang birthday message sa kanyang boyfriend na si Jon Semira

- Ito ang unang pagkakataon na nag-post si Yassi kung saan makikitang hinahalikan niya sa pisngi ang Filipino-Canadian basketball player na si Jon

- Kuha ang picture na kanyang binahagi kalakip ng kanyang mensahe sa Amsterdam, Netherlands

- Marami sa mga kasamahan ni Yassi sa showbiz ang bumati din at naghayag ng kanilang kasiyahan para sa pagsasapubliko ni Yassi tungkol sa kanyang relasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa unang pagkakataon ay nagbahagi ng kanyang birthday message si Yassi Pressman para sa kanyang boyfriend na sinasabing ang Filipino-Canadian basketball player na si Jon Semira. Nag-post si Yassi kung saan makikitang hinahalikan niya sa pisngi ang boyfriend.

Yassi Pressman, nagbahagi ng birthday message para sa boyfriend na si Jon Semira
Yassi Pressman, nagbahagi ng birthday message para sa boyfriend na si Jon Semira (@yassipressman)
Source: Instagram

Kuha ang picture na kanyang binahagi kalakip ng kanyang mensahe sa Amsterdam, Netherlands.

Read also

Andi Eigenmann, kinabiliban sa pagiging hands-on sa kanilang snack bar

Sa kanyang binahaging mensahe ay sinabi ni Yassi na maswerte siya sa boyfriend na siya umanong nagpapakalma sa kanyang anxiety at nagpapalakas sa kanya.

HBD so happy with where life has brought us, so lucky to have you calm my anxieties, hold my hand, push me to become better & empower me.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Yassi Pressman o Yasmin Isabel Yasto Pressman sa totoong buhay ay isang Filipino-British model, actress, television personality, singer, at dancer. Matatandaang naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano kung saan gumanap siyang Alyana Arevalo, ang asawa ni Cardo Dalisay na ginagampanan ni Coco Martin.

Sa ibinahaging video ng content creator na si Rob Moya, makikita ang kanyang pakikipag-usap kay Yassi. Ito ay nang isa si Rob sa mga guest sa game show kung saan si Yassi ang host na napapanood sa TV5. Aminado si Rob na crush niya si Yassi at alam niya umanong imposibleng maging boyfriend siya nito pero tinanong niya ang aktres kung siya ba ang tipo ng lalaki na papayagan ni Yassi na manligaw sa kanya.

Samantala si Alex Gonzaga ang kauna-unahang guest ni Yassi sa kanyang CAReoke sa kanyang YouTube channel. Sa naturang video ay naibahagi ni Alex kung paano nabuo ang kanta na nagmula sa pagtawag nila ng chambe sa kanyang pamangking si Seve Soriano. Marami naman ang naaliw sa pagiging energetic ng dalawa dahil hindi din nagpahuli si Yassi sa kakulitan ni Alex.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel