Estudyanteng pumanaw bago ang Graduation, pinagawan ng standee ng mga kaklase

Estudyanteng pumanaw bago ang Graduation, pinagawan ng standee ng mga kaklase

- Umantig sa puso ng marami ang naisipang gawin ng mga kaklase para sa kamag-aral nilang pumanaw

- Ilang buwan bago ang kanilang graduation, pumanaw ang kaklase na nilarawan pa naman nilang masipag, mabait at maalalahanin bilang mag-aaral

- Ang kanyang mga kapatid ang nagbuhat ng kanyang standee patungo sa entablado para tanggapin ang kanyang diploma

- Bago pumanaw dahil sa kidney failure, nagawa pa nitong pagsabayin ang pag-aaral at pag-aalaga sa kanilang ina na may brèast cancer

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naging emosyonal lalo ang naging pagtitipon ng mag-aaral sa Camarines Sur Polytechnic Colleges dahil sa ipinagawang standee ng mga magkakaklase para sa kamag-aral nilang pumanaw bago ang kanilang Graduation day.

Estudyanteng pumanaw bago ang Graduation, pinagawan ng standee ng mga kaklase
Photo from Mariela Garcia
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na noong Setyembre 2021, sumakabilang buhay ang 21-anyos na si Ma. Isabel Garcia dahil sa kidney failure na nagtapos sana ng kursong Bachelor of Science in Office Administration sa nasabing paaralan.

Read also

Dating teacher na piniling manirahan sa Italy, mahigit Php120,000 na ang kinikita kada buwan

Sa panayam ng ABS-CBN sa kanyang kapatid na si Mavic, sinabi nitong nagawa pa umanong alagaan ni Isabel ang kanilang ina na noo'y mayroong brèast cancer.

Sa kabila nito, naisasabay pa raw ng kanyang ate ang pag-aaral na pinatunayan naman ng kanyang mga kaklase.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nilarawan nila itong masipag, maalalahanin at masipag. Kaya naman sa araw ng kanilang Pagtatapos, ipinagpagawa si Isabel ng kanyang mga kaklase ng life-size standee nito.

Ang mga kapatid naman ni Isabel ang siyang nagbuhat nito patungong entablado at sila na rin ang tumanggap ng diplomang pinakaaasam ng kanilang ate.

Bumuhos ang luha sa naturang kaganapan dahil sa emosyonal na tagpo ng pamilya Garcia.

Narito ag ilan sa mga larawan mula sa Graduation ni Isabel:

Kamakailan, umani rin ng papuri sa social media ang nag-viral na delivery rider noong 2020 na ngayong taon ay nakapagtapos na ng pag-aaral.

Read also

Kilalang Psychic na si Jovi Vargas, may payo kay Kris Aquino; "Health muna"

Naging agaw-pansin sa social media ang kanyang larawan, dalawang taon na ang nakalilipas dahil nagagawa niyang isabay ang online class sa kanyang pagtatrabaho bilang delivery rider ng Grab.

At ngayon, hindi lamang siya nakapagtapos sa kolehiyo, may latin honors pa siya.

Ayon sa graduate na si Francis Ax Valerio, kinailangan niyang magdoble kayod matapos na ma-stroke ang kanyang ama habang nahinto naman sa trabaho ang ina na siyang nag-aalaga.

Nagbunga naman ng maganda ang lahat ng kanyang hirap at sakripisyo dahil sa karangalang natanggap na alay naman niya sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang mga magulang.

Samantala, kahanga-hanga rin naman ang mga Psychology graduate ng Negros Occidental matapos na magkamit ang lahat sa kanilang magkakaklase ng honors. Dahil dito, tinagurian umano sila bilang 'Batch of Achievers.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica