Public school teacher, viral matapos ipahiram ang kanyang sapatos sa isang estudyante
- Hinangaan ang isang public school teacher matapos mag-viral ang kahanga-hanga nitong pagmamalasakit sa estudyante
- Ayon sa post ng netizen na nagbahagi ng mga pictures, pinahiram ng teacher ang kanyang black shoes sa kalagitnaan ng graduation march
- Marami ang naantig sa tagpong ito kung saan hindi alintana ng teacher na walang sapin ang kanyang paa para lang mapahiram ang mag-aaral na kabilang sa mga nagtapos
- Naganap ito sa araw ng pagtatapos ng Pototan National Comprehensive High School sa Pototan, Iloilo
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Umani ng papuri ang isang public school teacher mula sa Pototan National Comprehensive High School sa Pototan, Iloilo na si Gng. Cornelia Castor. Ito ay matapos mag-viral ang nakakaantig na tagpo kung saan makikita siyang nakayapak habang pinapahiram sa isang mag-aaral ang kanyang sapatos.
Ayon sa Facebook user na si Krissy Selorio na nagbahagi ng mga litrato ni Gng. Castor, pinahiram ng teacher ang kanyang black shoes sa kalagitnaan ng graduation march. Marami ang humanga sa pagmamalasakit ni Gng. Castor sa mag-aaral.
Five Stars ⭐⭐⭐⭐⭐for this teacher!! my heart melts seeing her & her graduate! She took off her shoes in the midst of graduation march to give her student a chance to walk in the isle of Pototan Astrodome wearing her own black shoes! You deserve a with highest honor medal maam!
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Magmula noong makaranas ng pandemya bunsod ng COVID-19 ang buong mundo, isa sa sektor na naapektuhan nang labis ay ang edukasyon. Maging ang pagsisimula at pagtatapos ng mga klase sa lahat ng paaralan sa bansa, pampubliko man o pribado ay nabago.
Kamakailan ay nagbigay pahayag na ang paaralan ng nag-viral na nursing graduate na umano'y hindi pinaakyat ng entablado. Matatandaang nag-viral ang video niya matapos ikwentong hindi niya nakuha ang diploma sa dapat sana'y pag-akyat niya ng entablado. Nalungkot estudyante hindi dahil sa hindi siya umakyat sa stage ng graduation kundi ang sa reaksyon ng ina sa nangyari. Ayon sa Lorma Colleges, iimbestigahan nila umano ang nangyari sa insidente.
Matatandaang muling naglabas ng pahayag ang paaralan ng nag-viral na graduating student kamakailan. Ito ay kaugnay sa pag-aalis umano sa pila ng naturang graduating student na noo'y papanhik na sana ng entablado para tanggapin ang diploma. Sinasabing may kaugnayan ito sa hindi agad nabayarang graduation fee ng estudyante na hindi rin agad nakumpirma matapos bayaran.
Isang pagpupugay sa mga magigiting na Kaguruan mula sa KAMI! Kami po ay Saludo sainyong dakilang paglilingkod para sa ating bayan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh