Estudyante, hindi umano pinaakyat ng stage para sa diploma dahil late nakabayad ng grad fee

Estudyante, hindi umano pinaakyat ng stage para sa diploma dahil late nakabayad ng grad fee

- Viral ang post ng isang graduating student na hindi umano pinaakyat ng entablado

- Ang dahilan umano ay ang late na pagbabayad nito ng graduation fee

- Bagaman at nabayaran, isang araw bago ang seremonya, hindi raw ito agad naaprubahan

- Sa kabila ng nangyari, hindi ininda ng estudyante ang di niya pag-akyat ng entablado kundi ang reaksyon ng ina sa naturang eksena

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agaw-eksena sa social media ang nangyari kamakailan sa graduating student na si John Marcelino Rosaldo ng Lorma Colleges sa La Union.

Estudyante, hindi umano pinaakyat ng stage para sa diploma dahil late nakabayad ng grad fee
Photo: Celene, John Marcelino at kanilang ina (Celene Rosaldo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na hindi umano ito napaakyat ng entablado upang tanggapin ang diploma niya sa pagtatapos ng kursong nursing.

Ang kapatid ni John Marcelino na si Celene Rosaldo ang umano'y naglabas ng hinaing ukol sa nangyari.

Sa kanyang TikTok video, ipinakita ang kapatid na naglabas umano ng saloobin sa pag-aalis umano rito sa pila nang papaakyat na umano sila sa entablado para tanggapin ang diploma.

Read also

Bea Alonzo, kinuwentong tatlong taong hindi sila nagpansinan ni John Lloyd Cruz

PAY ATTENTION: check out news exactly for YOU ➡️ find "Recommended for you" block and enjoy!

Ayon sa PEP, ginanap ito noong Hunyo 23. May caption ang post ni Celene na: "Yung graduate ka pero di ka pinaakyat ng stage para kunin diploma mo kasi di naconfirm payment mo sa grad fee.”

Sa ulat ng Bandera, sinabing isang araw bago ang graduation ay nakapagbayad naman umano si John Marcelino ng kanyang graduation fees. Subalit hindi raw ito na-confirm agad dahilan upang mangyari ang hindi nito pag-akyat nsa entablado.

"Ang pinaka-masakit po dun ay yung hitsura ng nanay ko po na kitang-kita niya na yung anak niya na pinull out sa line papuntang stage upang i-receive sana yung diploma," ayon kay Celene sa panayam sa kanya ng Manila Bulletin.

Dahil panahon ngayon ng Graduation at Moving-Up ceremonies, Ilang post ukol dito ang nag-viral kamakailan.

Read also

Patillas Girl sa relasyon nila ni Flow G: "'Yung tiwala ko never naman niyang nadungisan"

Isa na rito ang video ng ama na dala ang standee ng anak na hindi na makadadalo sa kanyang Pagtatapos.

Ito ay dahil sa namayapa na ang anak bago pa man maganap ang pinakhihintay nitong Graduation day. Marami ang nadurog ang puso sa naturang video.

Samantala, nag-viral din ang video ng isang online seller na naaktuhan ang kanyang reaksyon nang malaman niyang pasado siya sa Licensure Examination. Dahil naka-live siya, kitang-kita ang kanyang kasayahan nang malamang isa na siyang lisensyadong guro.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel