Patillas Girl sa relasyon nila ni Flow G: "'Yung tiwala ko never naman niyang nadungisan"

Patillas Girl sa relasyon nila ni Flow G: "'Yung tiwala ko never naman niyang nadungisan"

- Matatag pa rin umano ang relasyon nina Pastillas Girl at Flow G

- Nabanggit ito ni Angelica Yap aka Pastillas Girl sa panayam sa kanila ni Toni Gonzaga

- Aniya, hindi raw umano siya binibigyan ng rason ni Flow G para magduda o magselos

- Matatandaang kamakailan, naging kontrobersyal ang dalawa dahil umano sa ilang akusasyon sa kanila ng isang kilalang vlogger

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpaunlak ng interview ang magkasintahang sina Archie Basilio dela Cruz o "Flow G" ng Ex-Battalion at Angelica Yap o mas kilala bilang si Pastillas Girl.

Patillas Girl sa relasyon nila ni Flow G: "'Yung tiwala ko never naman niyang nadungisan"
Flow G at Pastillas Girl (@angelicajaneyap)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ang unang pagkakataon ng nagkasama ang dalawa sa panayam na isinagawa sa kanila ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel.

Naikwento ng dalawa na apat na taon na silang magkasintahan na nagsimula lamang sa 'jowa challenge' na usong-uso ng mga panahong iyon.

Read also

Cristy Fermin, inaming napahagulhol sa kalagayan ng National Artist na si Nora Aunor

Hanggang sa nauwi na sa totohanan ang kanilang relasyon at tuluyang nagkasama lalo na nang mag-lockdown, dalawang taon na ang nakalilipas.

PAY ATTENTION: check out news exactly for YOU ➡️ find "Recommended for you" block and enjoy!

Sa loob umano ng ilang taong pagsasama, walang naging problema si Angelica kay Flow G kahit pa maraming mga babae ang hindi mapigilang pumaligid dito tuwing mayroon silang mga shows.

"Doon ko na-realize na hindi siya kagaya ng ka-grupo or kahit sinong lalake na nakilala ko, hindi siya kagaya ng mga na-meet ko na before. Iba siya ate, iba talaga."

Isa sa pinanghahawakan umano ni Angelica ay ang matagal na pagiging single ni Flow G kaya naman kumpiyansa raw ito na hindi umano nambababae.

"Ate, hindi niya ako binibigyan ng dahilan para mag-doubt or magselos. Kaya ako siguro sobrang confident ko rin na sasabi ng okay lang umalis ka tapos kung anong oras mo gusto bumalik, mag-message ka lang. Okay lang, kasi yung tiwala ko never naman niyang nadungisan. Parang buong-buo yung tiwala ko sa kanya. Never niyang binigyan ako ng dahilan para mag-doubt."

Read also

Ogie Diaz sa kontrobersyal na mga larawan ni Jeric Gonzales; "'Di raw indie film 'yun"

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanila ni Toni Gonzaga mula sa channel nito na Toni Gonzaga Studios:

Si Angelica Yap ay unang sumikat matapos siyang maging bahagi ng It's Showtime bilang si Pastillas Girl. Ito ang ipinantapat ng It's Showtime sa tambalang AlDub na sobrang sumikat din noong mga panahong iyon.

Kamakailan, humarap sa kontrobersiya si Angelica matapos ang ilang akusasyon sa kanila ng vlogger na kilala bilang si Makagago.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel